Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, interpret ko: Dalawang bulok ng ngipin ipinatanggal

Good day!!!

Ano po ibig sabihin ng pinaginipan ko na pinatanggal ko raw ‘yung dalawang bulok na ngipin ko.

To Anonymous,

Ang panaginip ukol sa ngipin ay kabilang sa tinatawag na most common dreams, lalo na kung ito ay natatanggal o tinanggal. Ang ganitong uri ng panaginip ay maitutu-ring na hindi lamang horrifying at shocking, kundi, nag-iiwan din ito ng hindi maganda sa iyong alaala.

Isa sa teorya ng ganitong uri ng bu-ngang-tulog ay ukol sa iyong agam-agam hinggil sa itsura mo at kung ano ang pana-naw sa iyo ng iba. Ang mga ngipin ay may maha-lagang papel na ginagampanan sa game of flirtation, ito man ay pagpapakita ng iyong pearly white teeth, kissing, o necking.

Kaya maituturing, na ang ganitong panaginip ay nagmumula sa fear of rejection, sexual impotence o ang consequences ng pagtanda. Ang ipin ay ginagamit din sa pag-kagat, pagnguya at pagngatngat, kaya sa puntong ito, ang ngipin ay nagre-represent din naman ng kapangyarihan o power.

Kaya maaari rin na ang panaginip na nawalan ng ngipin ay pakiramdam na nawalan ng power o kapangyarihan. Maaa-ring nakararamdam ka ng frustration kung hindi napapansin ng iba ang iyong boses o opinyon, o kaya naman ay dahil nahihirapan kang ipahayag ang iyong tunay na damdamin.

Posible rin naman na nakararamdam ka ng inferiority at ng kakulangan ng tiwala sa sarili sa ilang pagkakataon o pakiki-pagrelasyon sa iyong buhay. Traditionally, may ibang paniniwala rin o sitwasyon na kapag nanaginip na ikaw ay walang ngipin o nawalan ng ngipin, ito ay may kaugnayan sa malnutrition.

Mayroon ding scriptural interpretation ukol sa bad o falling teeth na nagsasaad na inilalagay mo ang iyong faith, trust, at beliefs sa iniisip o sasabihin ng mga tao, imbes sa words of God.

Ang Biblia ay nagsasabi na ang Diyos ay nakikipagtalastasan sa atin sa pamamagitan ng panaginip o vision upang maitago ang pride mula sa atin, upang mailayo ang mga tao sa hukay, upang mabuksan ang ating mga tainga (spiritually), at upang magbigay babala at maitama ng landas ang mga tao. Señor H.

PANAGINIP MO
INTERPRET KO
ni Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *