Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maymay pinuri si Edward, pagki-care at pagka-supportive sa kanya ‘di nawawala

ISA si Maymay Entrata sa masuwerteng baguhang artista sa showbiz dahil pagkatapos niyang manalo ay ipinag-prodyus kaagad siya ng album at selling like hotcakes na may titulong Toinks mula sa Star Music.

Bukod dito ay napasama pa siya sa seryeng La Luna Sangre bilang kapatid ni Tristan (Daniel Padilla) sa karakter na Apple.

At ngayon ay heto, may pelikula silang ipalalabas sa Setyembre 13 kasama ang ka-loveteam niyang si Edward Barber at sina Kisses Delavin at Marco Gallo na may titulong Loving in Tandem mula sa Starcinema.

Sobrang nagpapasalamat si Maymay sa lahat ng sumusuporta sa kanya dahil hindi siya iniiwan simula noong manalo siya saPBB Season Lucky 7.

Sa ginanap na presscon ay tinanong si Maymay kung ano ang masasabi niya kay Edward. ”Mas nakilala ko si Edward po. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay nag-o-open up na kami sa isa’t isa

“Hindi nawawala sa kanya ang pagka-caring niya po at saka pagka-supportive niya po sa aming dalawa.

“Nagustuhan ko rin po sa kanya, kasi pareho po kaming nahihirapan kasi baguhan kami.

Day 11 of the shooting for Loving in Tandem: ✅

A post shared by Edward Bar (@edward_barber) on

“Talagang parati naming inire-remind sa sarili namin, ‘yung sinasabi nga ni Direk (Giselle Andres) na, hindi porke’t baguhan kami, eh, hindi na namin puwedeng ibigay ‘yung best namin.

“Hangga’t nandiyan ang opportunity, ibibigay lang namin ang best namin. Parating niya sa aking inire-remind ‘yun at saka ako rin sa kanya.Nagustuhan ko rin sa kanya, sinasabayan pa rin niya ang kabaliwan ko,” nanlalaki ang mga matang kuwento ng dalaga.

Samantala, aliw ang trailer ng Loving in Tandem at nagpasalamat ang dalaga na nagustuhan ito at sana mapanood ng lahat sa Sertyembre 13.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …