Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mabilog dapat nang maglinis ng bakuran (Nasa Iloilo City na si Espenido)

ITINALAGANG officer-in-charge ng Iloilo City PNP si Senior Inspector Jovie Espenido.

Dahil mayroong batas o regulasyon na ang hepe ng pulisya ay kailangang may ranggong senior superintendent, kaya OIC lang ang status ng pagkakatalaga ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kay Espenido.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit madalas na bisita ng iba’t ibang media outlet si Mayor Jed Mabilog ng Iloilo City.

Sinabi ni Mabilog na welcome sa kanya si Espenido bilang hepe ng Iloilo City PNP.

Pero kasabay no’n sinabi niyang, nagdarasal din siya sa Diyos na bigyan siya proteksiyon at ang kanyang pamilya.

Matagal na raw niyang nalinis sa ilegal na droga ang kanilang lungsod pero kung kulang pa umano ang kanyang paglilinis, maaari umanong matulungan siya ni Espenido.

Umaasa rin umano si Mabilog na ang pagkakatalaga kay Espenido sa Iloilo ay makapagpapakita kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kung ano ang tunay na larawan ng ‘drug situation’ sa lungsod.

Bilib din tayo sa ‘fighting spirit’ ni Mayor Mabilog. Mukhang nakahanda siyang harapin si Major Espenido.

Siyempre nakatutuwa ang sinasabi ni Mayor Mabilog na matagal na niyang nilinis sa ilegal na droga ang Iloilo City.

Lalo na kung totoo ‘yan.

Pero kung pinalalakas lang ni Mayor Mabilog ang kanyang loob at mayroon pa siyang naitatabing iba’t ibang klaseng basura, ang maipapayo lang natin, maglinis-linis na siya.

For the meantime, tanungin natin ulit siya, nakahanda ka na ba, Mayor Mabilog?

‘KALIWETE’SA GABINETE
NI DIGONG TULUYAN
NA KAYANG MAWAWALIS?

DEFERRED ang hearing para sa interim appointment ni Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Itutuloy ang pagdinig sa Martes, 5 Setyembre dakong 10:00 ng umaga, ayon kay Senator Vicente Sotto III, chairman ng CA committee on agrarian reform.

Kabilang sa 10 hindi pabor sa nominasyon ni Mariano ang grupong Noel Mallari, et al; Manuel Gallego Jr., Ricardo Quintos, Rodel Mesa at Angelito Bais; grupong Roberto Nidera, et al; Edgar Aguas, Manolito Dagatan at Hernani Geronimo.

NANUMPA sa harap ng Commission on Appointments si Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano para sa committee meeting para sa kanyang pagtatalaga bilang kalihim ng Agrarian Reform sa senado kahapon. (MANNY MARCELO) Tatlong barangay din ang naghain ng resolusyon upang tutulan ang nominasyon ni Mariano gaya ng Barangay Sta Catalina, Tarlac City, Tarlac; Barangay Asturias, Tarlac City, Tarlac; at Barangay Motrico, La Paz, Tarlac.

Harapin na sana ni Ka Paeng Mariano ang katotohanan na hindi permanenteng makapapasok sa gobyerno ang mga kagaya nilang mula sa leftist organization.

Sabi nga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi siya nag-iisa sa gobyerno.

Maaaring may mga gusto siyang mangyari at may mga tao na gusto niyang makasama sa pamumuno, pero bilang Pangulo, hindi lang naman siyang mag-isa ang nagpapasya para sa gobyerno.

Kung pagbabasehan ang mga nakaraang pangyayari, hindi natin nakikita na maitatalaga pa si Secretary Paeng Mariano sa DAR.

Noong nagbaba siya ng moratorium sa land conversion, doon pa lang ay lumikha na siya ng grupo na gagawa ng paraan upang huwag siyang makompirma.

Ang moratorium kasi sa land conversion ay tinututulan ng malalaking real estate developer. Mas malaki kasi ang kita sa real estate kaysa gawing taniman ng palay ang malalawak na lupain sa iba’t ibang panig ng probinsiya at lungsod.

Kaya, malungkot man, maipapayo natin kay Ka Paeng na huwag na siyang umasa.

Kaya hindi na rin tayo dapat magtaka kung umigting ang mga isusulong na local mass struggles (LMS) ng leftist groups dahil wala na silang ibang option para isulong ang minimithing pagbabago kundi himukin ang mamamayan na makiisa sa kanilang pakikibaka.

Pansamantala, abangan natin kung ano ang mananaig sa 5 Setyembre 2017 sa hearing ng CA.

For the meantime, keep your fingers crossed, Secretary Paeng Mariano.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *