Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangarap ni Ria na makapag-host, matutupad na via History Channel

NASA Taiwan sina Ria Atayde at Matteo Guidicelli para sa bago nilang programa na mapapanood sa History Channel, cable digital channel.

Ang gustong-gusto naming pinanonood sa History Channel ay ang Pawn Stars na hino-host nina Rick Harrison, Corey Harrison, at Richard Harrison at ang Restoration ni Brent Hull. Lilibutin nina Ria at Matteo ang magagandang lugar at kainan sa Taiwan at kung ano-ano ang specialty na dinarayo ng mga turista roon.

Sabi ni Ria, “it’s about food crawl buddy for Lifestyle Network. Five days. Food trip. We get back 31 (August) po.”

Limang araw sina Ria at Matteo sa Taiwan at sobrang enjoy ang dalawa roon dahil mababait ang mga tao at maayos makisama. Sabagay, may ilang bansa kaming napuntahan na medyo masungit ang mga local na hindi kayo nagkakaintindihan.

Anyway, natupad na rin ang isa sa pangarap ni Ria na maging TV host bukod sa pagiging artista na sakto naman sa tinapos niyang Communication Arts sa De La Salle University.

Anyway, masaya ang dalaga na magsasama ang kuya Arjo Atayde at mommy niyang si Sylvia Sanchez sa isang serye na matagal na rin nilang pangarap na tatlo.

Kaso sa ibang linya muna ngayon si Ria kaya hindi siya isinama muna sa serye ng mag-inang Ibyang at Arjo. Tiyak na matutuwa ang daddy Art Atayde sa hosting career ni Ria dahil ito talaga ang gusto niya para sa anak na mapanood sa telebisyon na nagre-report o isang news anchor. Sa katunayan, may offer noon sa dalaga ang isang kilalang news program pero hindi nito tinanggap kasi nga gusto muna nitong umarte sa harap ng camera na nangyari na rin naman.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …