Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dapat magkaisa

NAKALULUNGKOT ang nangyayari sa bansa natin, kailangan na ng dasal at magkaisa para matupad na ang tunay na reporma sa ating gobyerno.

Sa isyu ng smuggling sa Aduana, may punto si Sen. Ping Lacson at may punto rin si outgoing Customs Chief Nick Faeldon.

Magmahalan na lang sana tayo para sa bansa natin dahil iisa ang hangarin natin, ang sugpuin ang ilegal na droga at corruption.

‘Wag nang magturuan at magsisishan, ang mahalaga ay malansag ang sindikato ng shabu na kinabibilangan ng mga Chinese national na napalusutan tayo.

Tiyak nagtatawanan sila ngayon sa mga kaganapan ng imbestigasyon sa kongreso.

Ang dapat makulong ay mga taong responsable sa pagpapalabas ng P6.4-B shabu sa Customs.

Hindi ba si Mark Taguba ang nagmaniobra niyan na makalabas ang container na naglalaman umano ng shabu!?

Happy birthday pala sa magaling at tapat magserbisyo na si NBI Deputy Director Atty. Antonio Pagatpat.

God bless amigo!

Congrats din kay NBI director Atty. Dante Gierran sa award niya mula sa VACC sa kanyang dedication sa trabaho.

‘Yan ang mga tunay na tao ni President Duterte na nagtatrabaho para sa bayan.

Mabuhay kayo!

***

Masyado nang marami ang nadadamay na empleyado ng BoC dahil sa kontrobersiyal na P6.4-B shabu.

Sana matapos na ang imbestigasyon at sampahan ng kaso, hulihin ang mga sangkot diyan.

Pag-ibayuhing mauna ang collection target na iniatang ng Department of Finance sa Customs.

Sana ‘wag kumuha ang kababayan ko sa Pangasinan na si incoming BOC Commissioner Gen. Isidro Lapeña ng mga adviser na nagpapanggap na matino pero nuknukan nang corrupt pala.

Lalo na na ‘yung mga sangkot o tongpats sa smuggling.

May nag-a-apply na raw na female official pero masyado namang corrupt noong nakaraang administration, huwag po kayong magkamali kabsat Gen. Lapeña.

Comm. Lapeña, buena mano ninyong paim-bestigahan ang isang milyonaryong customs warehouseman sa BoC-NAIA na bagman ng isang opisyal.

Grabe na raw ang yaman at properties ng nasabing bagman.

Isalang n’yo agad sa lifestyle check, Sir!

Happy birthday din kay Atty. Rhea Gregorio na district collector ng Port of Manila.

Wishing you all the best!

Alam natin na your working hard for the government at tapat magserbisyo para sa ba-yan.

Ganoon din kay Atty. Jet Maronilla na District Collector ng MICP. Siya ang tunay na maraming nagawa para sa gobyerno. Hindi tumatara at hindi nanggigipit ng broker/importer.

Hindi gaya ng pinalalabas ni Lacson na isa siyang corrupt customs official.

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …