Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Myrtle, dream leading man si Atom Araullo

MASARAP palang katsikahan si Myrtle Sarrosa kapag crush ang pinag-uusapan dahil kinikilig-kilig pa kaya naman nag-enjoy kami pagkatapos ng Q and A presscon ng Sisters Sanitary Napkin na muli siyang ini-renew ng Megasoft Hygienic Products, Inc..

Ngayong graduate na si Myrtle ay magko-concentrate na siya sa showbiz career niya at bilang artista ay may pangarap niyang leading man si Atom Araullo, isa sa host ng Umagang Kay Ganda bukod pa sa sariling programa nitong Red Alert.

Tinanong namin kung bakit si Atom, ”kasi sobrang fan niya ako, sabi ko nga, kahit mag-ano (cameo) lang ako sa ‘Citizen Jake’, ‘di ba may movie siya ngayon, kahit makita ko lang siya sa set,” masayang sabi ng dalaga.

Napaisip kami dahil sa rami na ng artistang babaeng nainterbyu namin ay ni minsan ay hindi binanggit na type o gusto nila si Atom, namumukod tanging si Myrtle lang.

Kaya balik-tanong namin ay ano ang nakita niya sa TV host/newscaster, ”I think, ako kasi gusto ko sa lalaki, ‘yung maturity and pati na rin ‘yung intelligence niya, how he is, how he carries himself, he’s very handsome and smart. Nagkasama na kami sa ‘Umagang Kay Ganda’, nagkatrabaho na kami,” tila kinilig pang sabi ni Myrtle.

At noong magkita sila, ”natulala lang ako, it’s my first time kasi. Sobrang natulala ako noong makasama ko siya. And I think alam niyang crush ko siya kasi tuwing magkikita kami, natutulala lang ako sa kanya,” at ang reaksiyon ng binata, ”mabait ‘yun, eh, sasabihin niya, ‘okay ka lang?’ Tapos siya pa ‘yung kumakausap sa akin, tapos ako naman, ‘opo.’

Komento ng ilang katoto na mahinhin kumilos si Atom baka kloseta dahil mahilig mag-alaga ng pusa na bihira sa isang lalaki dahil kadalasan naman ay aso ang gustong alagaan.

Naloka kami sa reaksiyon ni Myrtle dahil tila susuntukin niya ang katotong nagtanong sabay sabi ng, ”hindi ‘no!” Bukod pa sa wala siyang girlfriend,”nandito naman ako!” sabi ulit ng dalaga.

Kaya nagkatawanan na dahil sa bayolenteng reaksiyon ng dalaga para lang ipatanggol ang lalaking crush niya.

Tinanong tuloy si Myrtle kung okay lang na siya na lang ang magpakitang gusto niya ang lalaki o kaya siya ang manligaw.

“Mahiyain kasi ako, kaya feeling ko ako ‘yung maunang magsabi. Ako na lang siguro ang unang magsabing, ‘hi Atom,’” natawang sagot ng dalaga.

Hirit namin na malayo ang features nina Atom at Brian Poe na ex-boyfriend ni Myrtle.

“Oo nga, eh, hindi kasi ako tumitingin sa pisikal na anyo, mahilig ako sa (matalino) personality kaysa hitsura,” katwiran sa amin.

Laking gulat din namin noong natapos na ang panayam kay Myrtle sa entablado ay pumunta na kami sa aming mga lamesa at sumunod pala at sabay tanong ng, ”huy, totoo ba talaga ‘yung kay Atom? Hindi naman ‘di ba?”

Nagkatawanan kami nina katotong Melba Llanera, Glai Jarloc, at Rohn Romulodahil halatang hindi mapakali si Myrtle sa narinig niya tungkol kay Atom.

May nagbanggit na kadalasan sa mga nag-aalaga ng pusa ay gay kaya nagkaroon ng survey sa mga kalalakihan sa restaurant kung ano ang mga alaga nila at halos lahat ay iisa ang sagot, ”aso.”

“Naku, hindi naman ganoon ‘yun, kayo talaga,” nababahalang sabi ulit ni Myrtle.

Para sa amin ay hindi namin nakitaan ng bahid ang kilalang TV host dahil unang-una lagi kaming nanonood ng Red Alert tuwing Miyerkoles ng gabi pagkatapos ngBandila dahil napaka-informative lalo na ang tips na ibinabahagi niya sa lahat kapag may sakuna, paano ipagtanggol ang sarili at iba pa.

Baka lang siguro ayaw ni Atom ng maingay kaya hindi niya bet ang doggies at higit sa lahat, alagain din ang dogs kompara sa mga pusa na puwedeng iwanan lang basta’t may pagkain at alam nila kung saan sila maglalagay ng dumi nila.

Going back to Myrtle ay may dalawang pelikula siyang ginagawa ngayon na hindi pa niya sinasabi, pero under Regal Entertainment at katatapos lang ng guesting niya sa La Luna Sangre.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …