Tuesday , December 24 2024

Migratory birds layuan (Iwas bird flu) — DENR

PINAIIWAS ng Department of Environment and Natural Resources – Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) ang publiko sa paglapit o pagkakaroon ng ‘kontak’ sa migratory birds, o mga ibong dumarayo sa bansa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pinangangambahan na nagmula sa migratory birds ang kasalukuyang bird flu outbreak sa Pampanga kaugnay ng paalalang nabanggit.

Ani DENR-BMB Director Mundita Lim, lalong hindi dapat katayin ang migratory birds dahil sa bantang mas kumalat ang bird flu mula sa ‘human contact.’

Ayon kay Lim, inaasahang magsisimula sa Setyembre ang pagdating ng migratory birds sa Filipinas at aalis sa Marso 2018.

Sa panahong nasa bansa ang mga dayong ibon, hihimpil sila sa iba’t ibang anyong-tubig para kumuha ng makakain at makapagpahinga.

Payo ni Lim, makatutulong ang publiko na mapigilang lumaganap sa ibang lugar ang outbreak kung ire-report agad sa regional office ng Department of Agriculture (DA) kapag may makitang patay, nanghihina, o maaaring may sakit na migratory bird.

Sa ngayon, nasa 200,000 manok ang ipinakakatay ng DA para mapigilan ang lalong pagkalat ng virus.

Ayon kay Lim, inirerekomenda niya ang pagbuo ng komiteng kabibilangan ng DA at Department of Health para tutukan ang bird flu outbreak at maiwasang mahawa ang mga tao sa virus.

Magpapadala ang Bureau of Animal Industry sa Australian Animal Health Laboratory ng samples ng manok na tinamaan ng bird flu sa Pampanga para masuri.

Samantala, pumalag ang isang dating alkalde ng Pampanga sa deklarasyon ng Department of Agriculture (DA) na mayroong bird flu outbreak sa bayan ng San Luis.

Iginiit ni dating Candaba Mayor Jerry Pelayo, dapat hinintay muna ng DA ang resulta ng isinagawang mga pagsusuri ng Australia bago nila ianunsiyong apektado ng bird flu outbreak ang naturang lugar.

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, mahigpit ngayong binabantayan ng mga ahensiya ng gobyerno ang merkado upang walang mananamantala sa outbreak para pataasin ang presyo ng manok.

Tiniyak ni Abella sa publiko, hindi magkakaroon ng pagsipa sa presyo ng manok at walang makapapasok na kontaminadong chicken meat sa mga pamilihan.

HATAW News Team

 

SHIPMENT NG MANOK
MULA LUZON BAWAL
— DA

BAWAL muna ang shipment ng manok mula Luzon patungo sa ibang bahagi ng bansa, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol nitong Linggo, habang sinisikap ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng unang birtd flu outbreak sa bansa.

Gayonman, hindi sakop sa ban ang mga ibon na daraan sa Manila airport bilang transhipment point patungo sa ibang bahagi ng bansa, ayon kay Piñol sa kanyang Facebook page, idinagdag na magpapatupad nang mahigpit na quarantine protocols dito.

Ang chicken imports mula sa US ay hindi dapat ilalabas sa mga kahon at dapat ay direktang ikakarga sa connecting flights patungo sa Visayas at Mindanao.

.2-M MANOK
SA PAMPANGA
ISASALANG
SA GAS CHAMBER

SINIMULAN na ang pagkatay sa libo-libong manok na hinihinalang dinapuan ng avian flu virus sa ilang poultry farms sa Pampanga sa pamamagitan ng gas chamber, ayon sa ulat ng opisyal ng Animal Industry, kahapon.

Sinabi ni Arlene Vytiaco, pinuno ng Bureau Animal Industry-Disease Control Section of Animal Health and Welfare Division, ang 200,000 manok mula sa anim apektadong farms at dalawa pang poultry houses sa loob ng 1-km radius ng quarantine area, ay kakatayin.

Aniya ang “culling and depopulation process” ay inaasahang matatapos sa loob ng apat na araw sa pamamagitan ng carbon dioxide suffocation (or gas chamber).

Aniya, ang nasabing proseso ay maingat na isasagawa upang matiyak na hindi kakalat ang virus.

Pinahupa ng opisyal ang pangamba na posibleng makaapekto ang bird flu sa mga tao, sinabing ang virus ay hindi maaaring makuha sa pagkain ng inilutong karne ng manok at ilog, at ang lahat ng mga itlog at fowl meat supply sa merkado sa kasalukuyan ay malinis at ligtas kainin.

Tinukoy ang impormasyon mula sa Department of Health (DoH), sinabi niyang wala pang ulat na may taong naapektohan ng virus.

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *