Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AWOL, ipinagmamalaki ni Gerald

HINDI lang busy si Gerald Anderson ngayon sa kanyang television career via Ikaw Lang Ang Iibigin with Kim Chiu na napapanood from Mondays to Fridays, 11:30 a.m. sa Kapamilya Daytime kundi abala rin siya sa promo ng pelikulang AWOL na kabilang sa mga napiling pelikulang ipalalabas simula August 16-22 para sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.

Sa media conference ng pelikula, naging maboka si Gerald sa pagsasabing hindi rin biro ang kanyang ginagampanang role sa Awol. Isang sundalo o expert army sniper na may mga nangyaring hindi niya kayang palampasin kaya naman siya na mismo ang naghanap ng salitang revenge. Pero sa bawat hakbang niya ay kailangan pa rin niyang isaalang-alang ang kapakanan ng kanyang pamilya.

Ayon kay Gerald, something new ang papel niya sa movie na magugustuhan ng manonood. Pinagkompara pa namin ang pelikulang On The Job niya noon sa Awol pero naging deretsahan ang sikat na aktor sa pagsasabing ibang-iba ang Awol.

“Ibang-iba po ang pelikulang ito. Rito kasi, halos lahat ng eksena ay kasama ako. Kumbaga sa akin po nakatutok ang istorya ng movie eh, unlike sa ‘OTJ’ na malaki po ang casting niyon! But the script of the movie, wow, ibang klase,” aniyang paglalahad pa sa amin.

When asked about his current lovelife, tumawa na lang ang aktor.

Nang tanungin namin kung nakialam ba siya sa pagpili ng casting para sa pelikula ay sinabi niyang wala siyang access dahil hindi naman siya ang producer ng pelikula.

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …