Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC, pinagsupladuhan si Bela

GOING back to 100 Tula para kay Stella, kuwento ito ng lalaking may gusto sa babaeng kaibigan niya pero hindi niya masabi kasi may speech defect siya kaya idinaan niya ito sa tula.

“Hindi ko po na-meet pero totoong may Stella po,” saad ng aktres.

Natanong naman kung kumusta ang working relationship nila ni JC at nabanggit ng aktres na hindi siya pinansin noong una ng aktor kaya napaisip siya.

Kuwento ni Bela, “noong una ko siyang na-meet, sinupladuhan niya ako, kaya sabi ko baka hindi niya ako masyadong trip na katrabaho.

“(Kaya) every shooting, sinasabi ko, ‘Okey na ba tayo, JC? Niloloko ko lang siya, pero siya, hiyang-hiya palagi.”

Masayang kuwento pa ng dalaga kung paano sila nagkakilala ng personal ni JC.

“Nag-meet kasi kami rati sa ‘Tonight With Boy Abunda’. Parang ipinakilala kami.

“Kilala ko na talaga siya, pero first time na nag-meet kami. Sobrang happy ko pa naman na finally, mami-meet ko na siya. Alam ko na taga-theater siya, marami rin akong kaibigan na taga-theater,” kuwento ng dalaga.

At noong binati ni Bela si JC ng, “hi JC!’ Super hi pa ako sa kanya, (sinagot ako ng), hi, Bela Padilla.’ (Naisip ko), huh, suplado!

“Kaya noong nalaman ko na siya ang katrabaho ko, ‘Gusto ba niya talaga na makatrabaho ako?’

“So, niloloko ko siya every shooting, ‘JC, okey lang ba sa ‘yo na ako ang kasama mo rito?’

“Noong una, nahihiya pa siya. Ngayon, natatawa na lang. Feeling ko, malapit na siyang mainis sa akin,” natatawang paglalarawan ng dalaga sa leading man niya.

Tinanong namin kung may girlfriend si JC, “alam ko mayroon, sila pa rin ‘yung dati (theater actress),” kaswal na sagot ni Bela.

Tatanungin kasi namin kung hindi siya na-attract kay JC dahil mahilig si Bela sa medyo suplado ang image at tahimik.

Anyway, mapapanood na ang 100 Tula para kay Stella sa lahat ng SM Theaters nationwide simula Agosto 16-22.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …