Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P20-B sa free tuition sa 2018

KAILANGAN ng gobyerno ang halagang P20 bilyon upang maipatupad ang libreng tuition sa susunod na taon para sa isang milyong estudyante sa state-run higher education institutions, ayon sa Commission on Higher Education (CHEd) kahapon.

Sinabi ni CHEd Commissioner Prospero De Vera, tinatayang P16.8 bilyon ng pondo ay ilalaan sa 112 state universities and colleges (SUCs) at 16 local universities and colleges (LUCs).

Habang ang P3 bilyon ay ilalaan sa technical-vocational schools sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Dahil ang 2018 budget ay nasa Kongreso na, sinabi ni De Vera ang pondo para sa free tuition ay maaaring magmula sa budget ng iba’t ibang ahensiya na may scholarship programs, katulad ng CHEd, Department of Science and Technology, at Department of Agriculture.

“[Together] with the House of Representatives and the Senate, we will look for other funding sources from the 2018 National Expenditure Program,” ayon kay De Vera sa news conference sa Malacañang.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas nitong nakaraang linggo ang panukalang nagkakaloob ng libreng tuition para sa state-run institutions sa kabila ng pangamba ng economic team.

Nitong Miyerkoles, sinabi ni Davao City Rep. Karlo Nograles, chairman ng House appropriations committee, natukoy na ng mga mambabatas ang mapagkukunan ng P16 bilyong pondo para masuportahan ang libreng college education sa susunod na taon.

Aniya, ang pondo ay maaaring kunin mula sa scholarship programs ng iba’t ibang mga ahensiya ng gobyerno.

Samantala, tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno, na mapopondohan ang nasabing bagong ipinasang batas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …