SAMANTALA, natanong ang host na si Billy kung paano niya nakuha ang loob ng mga bagets, considering na sila ang pinakamahirap katrabaho.
“Actually po, hindi ko po inisip kung makukuha ko ang (hosting job), to be honest, I’ve just found out about the show (Little Big Shot) recently lang from the States, ‘yung kay Steve Harvey.
“Sa totoo lang, hindi ko po alam kung bakit napunta sa akin, the best thing I can say is, I’m really thankful. For me, it’s not a competition sa host kasi hindi po ‘yung host ang pinaka-importante po rito, ang title ay ‘Little Big Shots’, ang mga bida po rito ay ang mga kabataan.
“It was a challenging role for me to play kasi I’ve would expect like si Steve Harvey or the other hosts sa ibang bansa, parents na po sila, eh. So ‘yun po ‘yung nagpa-nerbiyos sa akin kasi wala pa akong anak, mahilig ako sa mga bata, obviously, fiancée ko is 10 years’ younger, pero mahilig po akong makipaglaro sa mga bata and I don’t know, I guess talagang bigay na ni Lord ito sa akin and I really couldn’t ask for more and I’m so-so happy to have this job,” bungad ng TV host/actor.
OGIE,
NAGPAHAYAG
NG SUPORTA
NANG makatsikahan si Billy pagkatapos ng Q and A ay natanong siya kung alam niyang dalawa silang nag-audition ni Ogie Alcasid at nagkaroon pa ito ng isyu dahil naunang nabalita na ang huli na ang napili kaya takang-taka kung paano napunta sa fiancé ni Coleen Garcia ang programa.
“Hindi ko po alam, kasi pareho po kaming nag-audition pero hindi ko nakita, I think one day ahead si kuya Ogie sa akin. Sinabi lang ni Sir Louie (Andrada) ‘yung sa akin na ako nga ang napili.
“To be honest, hindi ko alam na sabay kaming nag-audition kasi sabi lang sa akin ni sir Louie (inayunan ng TV executive), ‘mag-audition ka, may bagong programa ganito-ganyan.’ Wala talaga akong alam kasi binigyan lang ako ng spiels bahala na ako kung anong gagawin ko sa mga bata.
“At si kuya Ogie, wala akong masabi kasi noong in-announce na nila sa akin na napunta sa akin ‘yung programa, ang unang nag-text sa akin, si kuya Ogie.
“Sabi niya (Ogie), ‘bro, I’m happy for you, I’m proud of you, I will always be right here behind you anytime you need me. Kasi si kuya Ogie, simula bata pa naman ako kilala ko na si kuya Ogie, it’s nothing about competition talaga. ‘Yun nga, I’m still shock na napunta nga sa akin, pero wala akong masabi kay kuya Ogie,” paliwanag mabuti ng TV host/actor.
Tatlong bata ang kasama ni Billy sa set at mga staff ng LBS noong isinagawa ang audition at walang management from abroad kasi binidyuhan ‘yung audition tapos ipinadala sa Warner Brothers.
Ani Billy, “it’s an audition, whether you get it or you don’t. Regardless kung ano ‘yun, I just tried my best, I just tried to do it all.”
Sa tanong kung kailangan pa bang kabahan si Billy, eh, rito lang sa Pilipinas ginawa ang audition.
“Huwag nating ila-lang ang Pilipinas, tayo ang pinaka-judgemental, tayo ang pinaka-mataray pagdating sa comments or what. We have something to say mga Pinoy so kaya ako na-nerbiyos.
“But I was nervous actually dealing with kids kasi ‘yung Face Kids (Your Sounds Familiar) mga propesyonal na bata o singers o performers, 90% they’re all have their own albums or winners. Itong mga batang (LBS) ito, were strangers to me, so kailangan ko silang kilalanin, that was the hardest part, doon ako ninerbiyos, kasi paano ako makakakonek sa mga bata.”
Abot-abot ang pasalamat ni Billy sa buong team ng Little Big Shots dahil sila ang nag-research tungkol sa kids at talagang inalalayan siya during the tapings na magsisimula ng 8:00 a.m. at magtatapos ng 7:00 p.m..
FACT SHEET – Reggee Bonoan