UMEERE na sa 15 countries ang LBS at hindi ito pakontes pero may benepisyo naman silang matatanggap ayon sa Business Unit Head ng programang si Louie Andrada.
“Of course we will give them (kids) something at habang naghahanap kami ng talented kids at kausap namin ang mga magulang, iisa lang naman talaga ang sinasabi nila, ‘we want to make our family proud’; ‘we want our parents to be proud of us,’ so ‘yun lang, sapat na sa kanila.
“At ang maganda kasi rito (LBS), ‘yung entire franchise niya sa buong mundo, kapag nagustuhan sila (kids), papupuntahin sila sa ibang bansa.
“Like for example si Ella Nympha (TVK), ‘di ba nagustuhan siya sa Amerika, now si Ella, pupunta na ng Israel at Spain. ‘Yung nai-tape naming episodes, mayroon na roon tatlong napili kasi noong nagte-taping kami, nandito ‘yung consultant ng Warner (Bros), nag-a-identify na siya na ‘we want this kids for US’ so ganoon,” paliwanag ng bossing ng programa.
Dagdag pa, “It’s not the monetary thing, kundi ‘yung maging proud ang parents ng mga bata,” saad pa ni Louie.
FACT SHEET – Reggee Bonoan