ALAM ninyo mga kaibigan, hindi sa kinakampihan ko ang Bureau of Customs (BOC) pero ang mahalaga ay na-recover nila ang 6.4 bilyon na shabu.
Kung nagkamali man ang selectivity system at nailagay sa green lane ang kargamento ay iniimbestigahan pa rin ngayon.
Dapat talagang mabago ang sistema na iyon.
Ako ay naniniwala, kahit sinong taga-BOC, even the Commissioner ay hindi papayag na magpalusot sila ng ilegal na droga.
Masuwerte at nahabol ito nina CIIS Director ret. Col. Neil Estrella.
Kung may lapses e lahat naman tayo, hindi perpekto kaya hinangaan ko pa rin ang gaya nina Estrella at Faeldon.
Kung dininig ang request ni Atty. Hilario kina Maestrocampo at Gambala na ialerto ang karagmento ay hindi na sana umabot sa ganitong isyu.
Sana naman diyan sa loob ng BoC ay huwag nang mag-intrigahan.
Maganda ang naumpisahan ni Faeldon sa BOC lalo sa anti-smuggling at anti-drug campaign.
Sana lang ay ibalik ang power ng EG at IG.
Napakaganda ng ginagawa ni Director Estrella sa anti-smuggling kaya marami ang kanyang huling kontrabando.
Sabi ni Commissioner Nick Faeldon, “this is not a job but a mission.”
Suportahan po natin ang BoC!
***
Payo ko sa mga taga-BoC, mag-attend kayo ng Couples for Christ at magnilay-nilay kahit every Tuesday lang.
Kagaya ng ginagawa ni NBI Director Gierran na nanunungkulan na may pananampalataya sa Panginoon.
Ang laging paalala ni Director Gierran: “Make Jesus the center of your life.”
Kaya ‘yan ang mahalaga sa buhay ni Director Gierran ang magsilbi sa bayan at sa Panginoon.
Inatasan din ni NBI Deputy Director Atty. Antonio Pagatpat ng Regional Service ang lahat ng regional directors na paigtingin ang kampanya laban sa illegal na droga base sa kautusan ni Pangulong Duterte.
***
God is good, God is great, ang mahalaga naninilbihan tayong lahat para sa bayan.
Mabuhay ka Director Gierran!
PAREHAS – Jimmy Salgado