Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

“Mayor Gatchalian, sugpuin mo ang droga sa ‘yong bakuran!”

ILANG beses na ba nating naririnig na ang Valenzuela City ay pinamumugaran ng mga adik at drug lords? At ilang beses na rin ba nating narinig na ang Valenzuela City ay lugar na nagkalat ang mga laboratoryo ng shabu?

Kung titingnang mabuti, masakit ang bansag na ito kung ikaw ay lehitimong residente ng Valenzuela City, at higit na masakit kung ikaw ang namumuno ng siyudad tulad ni Mayor Rex Gatchalian.

Ang sabi nga, mismong sa ‘bakuran’ ni Mayor Gatchalian nagkalat ang droga. Bilang ama ng lungsod, dapat nililinis niya ang Valenzuela City at hindi pinababayaan na kumalat ang salot na droga sa kanyang siyudad.

At ano nga ba ang meron sa Valenzuela City at lagi itong nasasangkot sa usapin ng ipinagbabawal na droga? Ang nakagugulat pa nito, bakit madalas ang malalaking bulto ng droga ay nakukuha sa Valenzuela City at kadalasan laboratory ng droga ang natitimbog rito?

Kamakailan lamang, umaabot sa 605 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon ang natimbog sa Valenzuela City. Dalawang warehouse na matatagpuan sa Aster street, barangay Paso de Blas at sa F. Bautista street, Barangay Ugong natagpuan at nakompiska ang bilyon-bilyong pisong bulto ng droga.

Kung tutuusin, hindi ito ang unang pangyayaring may nadiskubreng shabu laboratory sa Valenzuela City. Noong nakaraang taon, matapos mapatay ang drug lord na si Meco Tan, isang warehouse na ginagamit bilang shabu laboratory ang nadiskubre sa “plastic city” na matatagpuan sa T. Santiago street, barangay Lingunan.

Kasama sa mga nahuli ang 10 Chinese national na pawang marunong magsalita ng Tagalog. Ibig sabihin, ang mga alien na iyon ay matagal nang naninirahan sa Valenzuela City.

At sino rin ang makalilimot sa shabu laboratory na nasakote ng mga pulis sa isang warehouse sa Industrial Subdivision, Barangay Rincon noong 2014? Anim na Chinese national ang nahuli at nakompiska ang 15 kilong shabu na milyon-milyong piso rin ang halaga.

Kung matatandaan, kasama pa ng police raiding team si Mayor Gatchalian nang pasukin ang warehouse at doon nangako siyang ipatutupad ang alien registration system para raw ma-monitor ang foreign nationals na naninirahan sa Valenzuela City.

Kung ganoon mayor, bakit patuloy pa rin ang paglaganap ng shabu laboratory sa Valenzuela City? At bakit kalimitan nang natitimbog sa mga bulto-bultong shabu ay Chinese nationals?

Galaw-galaw naman Mayor Gatchalian, baka magising ka na lang na ang Valenzuela City ay tinagurian nang “shabu capital of the Philippines.”

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *