Sunday , April 13 2025

6 suspek utas sa parak (Sa Maynila)

PATAY sa mga operatiba ni MPD PS3 Drug Enforcement Unit (DEU) Chief Insp. Leandro Gutierrez ang dalawang drug suspect na sina Raymart Mendoza, 20, residente sa Tambunting St., at Manuel Aromina, 51, Sulu St., habang arestado ang live-in partner ng huli na si Teresita Buenviase, 45, sa ikinasang buy-bust operation sa P. Guevarra St., pawang sa Sta. Cruz, Maynila.
(BRIAN GEM BILASANO)
ANIM hinihinalang drug suspect ang namatay nang pumalag sa magkakasunod na buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod, kahapon.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, unang ikinasa ng mga operatiba ng MPD-Station 2 ang buy-bust operation dakong 12:48 am sa Moriones St., Tondo, Maynila, kahapon.

Ayon kay MPD Station 2 commander, Supt. Santiago Pascual lll, napatay sa nasabing operasyon si Frankie Neri, tinatayang 30-35 anyos, residente sa Building A, Sambahayanan, Kagiti-ngan St., Tondo.

Kasunod nito, na-patay rin ng mga tauhan ng MPD PS2 si Rolando Morales, 43; kapatid ni-yang si Restituto, 35, at si Marvin Varona, 25, sa buy-bust operation dakong 1:30 am kahapon

Samantala, pasado 12:00 ng tanghali kahapon, ikinasa ang buy-bust operation ng mga tauhan ni MPD-Police Station 3 commander, Supt. Arnold Tom Ibay, sa isang eskinita sa P. Guevarra St., Sta. Cruz, Maynila.

Napatay sa nasabing operasyon ng mga operatiba ni MPD PS3 DEU C/Insp. Leandro Gutierrez, ang dalawang suspek na sina Raymart Mendoza, 20, at Manuel Aromina, 51-anyos.

Arestado sa nasabing operasyon ang kinakasama ni Aromina na si Teresita Buenviase, 45-anyos. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *