Sunday , December 22 2024

Altar ng Karahasan

MARAMING responsableng mamamayan ng ating Republika ang ngayon ay puno ng pangamba para sa mga kabataan sa kasalukuyan sapagkat ang tumatanim sa kanilang murang kaisipan ay isang kultura na naghahatid ng kamatayan, galit at kawalang galang sa mga institusyon bilang mga tugon sa mga usaping panlipunan.

Araw-araw na ginawa ng Diyos ay ulat sa mga telebisyon, pahayagan, radyo at internet ang mga kuwento tungkol sa mga walang awang pinatay ng mga pulis o naka-riding in tandem na pinaghihinalaang tulak o adik sa bawal na gamot. Wala nang pinipiling mga lugar o oras ang mga patayan. Hindi na ligtas ang mga payak na tahanan, madilim na pasilyo, ang matrapik na lansangan, maputik na sementeryo, bilangguan at ultimo sagradong simbahan.

Pilit itinitindig ng mga ahente ng kamatayan ng estado ang kanilang Altar ng Karahasan sa maling paniniwala na iyon ang tugon sa problema ng bayan, lalo na sa paglaganap ng bawal na gamot. Karahasan ang makitid na tugon ng estado o mga ahente nito laban sa isa sa malalim na sintomas ng kahirapan, ang pagtutulak at pagkalulong sa bawal na gamot.

Nakatitiyak ang Usaping Bayan na ang ganitong patakaran ay hindi maghahatid sa ating lipunan ng katahimikang nakabatay sa katarungan bagkus ay mabibiktima lamang nito ang maliliit na mamamayan o iyong mga walang padron na masisilungan.

Hindi na naiisip ng mga pumapalakpak bilang suporta sa gawain ng mga ahente ng kamatayan na bawat insidente ng karahasan ay lumilikha ng bitak sa marupok na haligi ng lipunan na kasalukuyang nagbibigkis sa ating lahi.

Hindi nila naiisip na ang bawat aksiyon ay may katapat na reaksiyon, isang aral na maagang natutuhan ng mga bansa mula sa Latin Amerika na nauna nang nagtangka na magtayo ng Altar ng Karahasan.

Hindi malayo na darating ang araw para sa mga kabataan ngayon na lahat ng kanilang usapin at hindi pagkakaintindihan ay tatapatan na lamang nila ng kaukulang karahasan dahil ito ang kanilang nakamulatan sa ngayon. Maaari nilang makalimutan ang kahalagahan ng “rule of law” at umasa na lamang sa batas ng kalikasan, “might makes right.”

Nakapangingilabot ang ganitong hinaharap para sa kanila.

***

Si Pangulong Rodrigo Duterte daw ay lulong sa Fentanyl, isang narkotiko na nakaaadik ayon kay Jose Ma. Sison, tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines; kaya ang Pangulo ay dapat din na masaklaw ng kampanya laban sa droga. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *