Saturday , December 21 2024

‘Kapag Puno na ang Salop’

TULAD ng pamagat ng isa sa mga pelikula ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. na “Kapag puno na ang salop” ay napuno at naubusan na rin ng pasensiya si President Duterte sa mga komunista at pati na sa kanilang lider na si Jose Maria Sison.

Si Sison na founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) ay dati rin naging propesor ni Duterte noong nag-aaral pa.

Pero sa kabila nito ay masasabing umapaw na ang galit ng Pangulo dahil sa patuloy na pana-nalakay at pananambang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA), ang armed wing ng CPP, sa mga puwersa ng gobyerno.

Pati nga naman ang convoy ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato ay pinaulanan nila ng bala. Mabuti at armored ang sasakyan at nakalayo na noon ang Pangulo sa lugar na tinambangan.

Sa sobrang galit ni Duterte ay binatikos at ininsulto niya si Sison dahil sa karuwagan. Naghamon ang Pangulo na kung tunay na revolutionary leader si Sison ay umuwi siya sa Filipinas at dito makipaglaban sa halip na nagtatago sa Netherlands.

Namamatay na raw sa gutom ang mga tauhan niyang komunista rito sa bansa samantalang si Sison ay nagpapasarap sa buhay habang pinakakain at ginagastusan ng ibang gobyerno.

Nagmatigas si Sison at tumangging umuwi. Hindi raw siya puwedeng utusan sa kung anoman ang kanyang gagawin. Pero sa palagay ng iba ay umiiwas lang siya at talagang pinabayaan na ang kanyang mga tauhan para magpasarap sa buhay.

Hinimok ni Duterte ang mga rebeldeng komunista na sumuko sa gobyerno. Hindi raw niya kukunsintihin ang kanilang pangingikil at ilegal na mga gawain. Handa raw siyang tulungan sila na magbagong-buhay at mabigyan ng disenteng trabaho.

Sa katunayan ay inalok pa niya ang mga su-sukong miyembro ng NPA na gagawin silang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung gugustuhin nila.

Kailangan lang daw nilang dumaan sa anim na buwang pagsasanay bago niya gawing ka-wal. Bukod pa rito ay bibigyan daw sila ng lupa at bahay.

Sumasang-ayon ang Firing Line na ang lahat ay may karapatan na magbago. Pero sana ay maghinay-hinay rin ang Pa-ngulo at pag-isipan ito nang husto.

Hindi magiging madali para sa ating mga sundalo na makahalubilo sa trabaho ang mga rebeldeng komunista na kanilang nakalaban sa loob ng ilang dekada.

Alalahanin na ang iba sa ating mga kawal ay nawalan ng kanilang kaanak at kaibigan sa kamay ng mga komunista. Hindi ito madaling mabura sa alaala.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *