Wednesday , May 7 2025

Juana Change papanagutin ng military (Sa ‘inappropriate’ military uniform)

INIHAYAG ng Armed Forces of the Philippines, sasampahan nila ng kaso si Mae Paner, kilala bilang si Juana Change, nakitang nakasuot ng military uniform sa kilos-protesta sa ginanap na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Sa press statement, sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, si Paner “has inappropriately used our military uniform and disrespected since she is not a member of the AFP nor a part of our reservists corps.”

“Her act of illegally using an AFP uniform is in violation of Art 179 of the RPC (Unauthorized Use of Uniforms) and RA 493 (Prohibition of Use of Insignias, Decorations, Badges and patches prescribed for the AFP),” ayon kay Padilla.

“We will take the necessary legal action to hold Ms Paner accountable,” dagdag niya.

Sinabi ni Padilla, hindi nila pipigilan ang performance artist sa pagsuot ng uniform “because each time she wears it is counted as one more violation. Hence she is compounding her liabilities all the more.”

Naging puntirya ng batikos ang mga retrato ni Paner makaraan itong i-post sa iba’t ibang social media accounts, kabilang ang Philippine Army Recruitment Office.

Sa post sa Facebook account, sinabi ni Paner, ang ginawa niya ay performance art kasabay ng pasasalamat sa mga tao sa pagsuporta sa kanya sa kabila ng tinanggap niyang mga pagbatikos.

“Hindi po ang uniporme ang pinoproteksiyonan ng mga suklam sa akin sa paggamit ko ng military uniform sa aking performance kundi ang pinaka-iniidolong presidente ng bayan. Salamat sa lahat ng mga nag-abalang mag-isip, dumepensa at magbigay liwanag. ANG SINING NANGGIGISING,” aniya.

“Yes, I will payt (fight) because people have given their lives wearing this uniform. Saludo sa mga sundalong tunay ang pagmamahal at sakripisyo para sa ating inang-bayan,” dagdag niya.

“Kaya mahalaga ang sining. Galing mambuska. Galing manggising. Lumalanding,” aniya pa.

Sinabi ni Padilla, dapat munang basahin ni Paner ang nabanggit na mga batas upang maunawaan kung bakit siya pananagutin.

“The malicious intent also betrays her motive,” aniya pa.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *