Saturday , November 23 2024

Albert, aminadong nahirapang i-portray si Prof. Theodore; 5 taon ang hinintay para muling makatrabaho ang KathNiel

PALAISIPAN kung ano talaga ang karakter ni Professor Theodore Montemayor na ginagampanan ni Albert Martinez sa La Luna Sangre.

Isa ba siyang kakampi ng mga tao, lobo, bampira o kaaway ng lahat? Ito ang tanong ng mga sumusubaybay ng serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na napapanood sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Pero inamin ng aktor na talagang inubos niya ang panahon sa pag-aaral tungkol sa mga bampira.

“Ang profile ng character ko rito is, over achiever to begin with, he studied probably in Harvard (University) and became one of the scientist ng Pennsylvania State University at natuon ‘yung atensiyon niya sa biological composition ng bampira. Hindi ko ikukuwento kung bakit kaya may backstory ‘yan.

“So ‘yung buong buhay niya (Professor T), itinuon niya sa pag-aaral tungkol sa bampira, how to deal with them, probably cure them, ‘yun ang mundong iniikutan niya. So may back story na malalim ito kaya mysterious ‘yung character niya. So it will reveal in the future,” kuwento ni Albert.

Dagdag pa, “very mysterious siya (Professor T), hindi mo alam kung black or white siya. Kaya rin ako nagka-interest sa character ko kasi hindi mo matimpla, hindi katulad ng iba na what you see is ‘yun na ‘yun. Ito hindi, marami siyang layers na hindi mo maintindihan sa mga taong pinaliligiran niya and I have a great time in my character.

“Hindi ko pa nagawa kahit kailan kasi mysterious nga and yet may pagka-loose, so may comedy side siya because of his personality na what’ he’d been in life na malalaman sa future episodes kung bakit siya ganito, so ‘yung part na ‘yun, very interesting for me.”

Inamin din ng mahusay na aktor na ang karakter niya bilang si Professor T ang pinakamahirap niyang nagawa sa showbiz career niya.

“Wala akong in-born talent na magpatawa, so ginawa ko na lang is to be natural as possible and humanap ako ng magandang peg na puwede kong i-base (brand of comedy).

“May mga ina-idolize akong not really comedian, pero magaling magbato ng lines na nakatatawa like si Harisson Ford ng ‘Raiders of the Lost Ark’.

“Mga seryoso sila, pero alam nilang magbato sa audience na nakatatawa, so ‘yun ang more or less na in-vibe ko kung paano maging natural na hindi ka nakatatawa, pero matatawa ‘yung tao sa ‘yo na natural,” pagtatapat ni Albert.



5 TAON ANG HININTAY
PARA MULING MAKATRABAHO
ANG KATHNIEL

Samantala, pagkalipas ng limang taon ay muli niyang nakatrabaho ang KathNiel na isa rin sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang papel na Professor T.

“It’s a long overdue! Actually noong natapos ang ‘Princess and I’, na-miss ko ‘yung buong team ng serye na ‘yan and I’ve been longing na someday soon magkasama kami ulit. Actually, the production staff and most of the actors of ‘Princess and I’, nandito so parang reunion namin ito.

“’Yung bonding namin sa ‘Princess and I’ ay solid na, so parang nag-continue lang ngayon, mga anak ko na ‘yan. Sa ‘Princess and I’, baby pa sila (KathNiel), ngayon adult na sila pareho na nakatutuwa rin naman and they grew up to be very good people.”



LEVEL OF WISDOM,
NAKASASABAY NA
SA KANYA

At ang mga napansing pagbabago ni Albert sa KathNiel.

“Typical teenager na malikot, maharot na masaya, funny because of their age. ‘Yung humor nila completely changed na, masaya pa rin sila, pero alam mong adult na, ‘yung level ko at level nila actually, parang magkasabay na. ‘Yung dati kasi feeling ko six years old lang sila.

“Ngayon kapag nagkukuwentuhan kami ni Daniel, kung ano ‘yung level ko, ‘yun ang level niya. Naabot na nila ‘yung level of wisdom and adult mindset tamang-tama pa rin because of their age na sa tingin ko, parang maaga pa rin, but again, I’m happy na umabot sila sa ganoon (level) na mayroon silang sense of responsibility, sense of awareness, sense of respect, and they were professional before, ngayon, ibang level na dahil ang passion nila for work is in a professional level, it goes with age,” paglalarawan ng aktor kina Tristan at Malia.

Moonchasers ang grupo ni Albert at lahat sila ay magaling sa aksiyon na talagang pinag-aralan pa nila

“Pantapat sa bampira, kung may army silang mga bampira, ito naman ang army ng humans, the moonchasers,” sambit ni Albert.

Dagdag pa ng aktor, “malalaman in the future kung bakit skilled ako at ‘yung kilos ko, eh, para akong sila (bampira).” Bukod pa sa may iniinom pa si Professor T na ayaw niyang sabihin kung ano, sabi lang niya, “it’s part of the mystery.”

At dahil maraming unfold stories pa ang La Luna Sangre kaya tiyak na aabangan lalo ito ng manonood at posibleng tumaas pa ang itinatalang ratings nitong 32% up gabi-gabi.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *