Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Sundalo patay sa NPA sa Mauban, Quezon

MAUBAN, Quezon – Patay ang isang sundalo makaraan makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army sa bayang ito, nitong Lunes ng umaga.

Nagpapatrolya ang Alpha Company ng 76th Infantry Batallion ng militar, nang makasagupa nila ang nasa pitong rebelde sa Brgy. Cagsiay 2.

Makalipas ang 10 minutong bakbakan, dumating ang dagdag-puwersa ng mga sundalo at pulis, dahilan para umatras ang mga NPA.

Napatay sa bakbakan si Corporal Argel Joseph Dela Cruz.


Pinaniniwalaang napatay rin ang ilang rebelde dahil sa mga bakas ng dugo sa kanilang posisyon.

Patuloy na tinutugis ng militar ang mga nakatakas na rebelde.

Nito lamang nakaraang linggo, inatake ng NPA ang mga tropa ng pamahalaan sa ilang lalawigan.

Bunsod nito, dalawang miyembro ng Philippine Marines ang napatay sa Palawan, habang apat Presidential Security Group (PSG) officers ang nasugatan sa Cotabato.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …