ABA, sa sobrang bilib namin sa IDOLE (identification card for overseas Filipino workers) na ipapalit sa Overseas Employees Clearance (OEC) agad nating pinuri sa ating kolum nitong nakaraang linggo.
Natuwa kasi ang inyong lingkod dahil malaking tulong ito sa itinuturing nating “Bagong Bayani” — ang mga OFW.
Ang sabi pa nga, libreng ipamimigay ito at ipadadala pa raw sa mga OFW kung nasaang bansa sila naroroon.
Pero wala pang isang linggo, tatlong araw lang yata, biglang bigay-bawi si Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello ang kanyang sinabi na libre ‘yung IDOLE card.
Para tayong nakoryente nang ilang libong boltahe nang muli nating mabatid na hindi pala libre ang IDOLE!?
Wattafak!?
Naunsiyaming IDOLE!
Hindi nga raw libre, sa halip ay sisingilin daw sa recruitment o placement agency.
At sinong agency ang magbabayad nito?
Tiyak na doon din nila kukunin ang pambayad niyan sa OFW.
Esep-esep naman please!
Hindi kasi maresolba ang isyu ng kontraktuwalisasyon o ENDO kaya gustong magpabango, ‘yun pala isang malaking drawing!
Secretary Bello, that’s adding insult to injury.
Higit sa lahat, kayo ang nakaaalam kung ano ang tunay na kalagayan ng mga OFW lalo na ‘yung nasa Middle East, kaya sana naman maging seryoso kayo sa pronouncements ninyo.
Kung hindi naman kayo sigurado at mukhang you’re not the one who’s calling the shot, e huwag kayong magsalita na parang siguradong-sigurado kayo.
Nag-uulyanin ka na ba Mr. Secretary!?
Ay sus, be sensitive naman Mr. Secretary.
Kung dagdag-singil lang ‘yan sa mga OFW, e tigilan na rin ‘yang gimik mo!
Puwede ba?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com