Friday , November 22 2024

Sakripisyo sa empleyado (Paglilipat ng DOTr sa Clark)

LAHAT daw ng panganganak lalo na kung panganay ay hindi puwedeng walang aray.

At kung ihahalintulad natin diyan ang paglilipat ng lokasyon na gagawin ng Department of Transportation (DOTr) ngayon araw ay hindi na tayo magtataka kung bakit maraming umaaray.

Puwede ring ihalintulad ito sa paglilipat ng informal settlers sa dangerous zones patungo sa malayo pero malaki at maluwag na relocation sites.

Ayaw nila, kasi raw malayo.

‘Yun nga lang, ang pinag-uusapan dito ay isang vital organ ng gobyerno – ang DOTr nga.

Alalahanin na ‘dambuhala’ ang problema ng bansa sa sistema ng ating transportasyon.

Halos araw-araw ‘yan ang idinaraing ng lahat ng sektor.

Bukod pa riyan, sa araw-araw ay marami silang inter-agencies na katransaksiyon, sa pribado at publikong sektor.

Ang kasalukuyang tanggapan ng DOTr ay nasa 17/F ng Columbia sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City.

Ang Ortigas Avenue ay isang main thoroughfare na hindi lumuluwag ang trapiko lalo sa busy hours.



Sa puntong ito, naiintindihan natin ang paglilipat ng DOTr lalo’t ang mauuna umano ay tanggapan ng Kalihim (ni Secretary Arthur Tugade), ng kanyang undersecretaries, kasabay ang communications and legal divisions.

Isa nga pala sa layunin ng paglilipat ay “to decongest traffic in Metro Manila” raw.

Oo nga naman, baka ang DOTr mismo ang bumabara sa Ortigas Avenue?!

Hik hik hik!

Dahil mukhang final na at hindi na mababago ang desisyon ni Secretary Tugade, at ‘yung mga ganyang mga bagay naman ay ayaw patulan ng Malacañang, pag-usapan natin kung ano ang hinaing ng 438 employees na tiyak na magkakaroon ng malaking pagbabago sa kanilang buhay sa nagaganap na relokasyon ngayon lalo na sa mga pamilyado.

Ang pinag-uusapan natin dito ay rank & file employees dahil ang mga opisyal ng DOTr ay mayroong provision housing sa relokasyon nila.

Sabihin na nating by phase or by batch ang gagawing paglilipat, pero sana naman isinabay na sa paghahanda kahit ‘yung pansamantalang tutuluyan ng mga empleyado na mahihirapang mag-commute everyday.

E ‘yung nasa Mandaluyong lang nga ang opisina ng DOTr marami ang gumigising nang 3:00 am or 4:00 am para makarating nang 7:00 sa DOTr, ‘yun pa kayang mapupunta sila sa Clark?!

Para namang may sariling sasakyan at driver at bawat empleyado sa DOTr.

Take note, walang accommodation, relocation allowance, walang social preparation sa empleyado kahit consultation.

Mahigpit na pasabi at memorandum lang ang nakarating sa mga empleyado.

By the way, alam kaya ni Secretary Tugade na ang relocation ay isang gender issue na dapat isaalang-alang ng employer, government o private company man ‘yan?!

Sa empleyado lang ‘yan…

E how about the transacting public?!

Sabi ng mga empleyado, ang desisyon na ito ni Secretary ay bahagi ng kanyang panaginip ‘este pangarap na “New Clark City.”

Ang phase I ng New Clark City, sa 2022 matatapos. Habang ang Philippine National Railway Manila-Clark line na magkokonekta sa Metro Manila at Clark ay target matapos sa 2020.

Masyadong loves ni Secretary Tugade ang Clark, malapit sa kanyang puso kaya hindi niya maiwan-iwan.

Heto naman ang side ng DOTr.

Para maresolba ang hinaing ng mga empleyado, mayroon silang shuttle bus, isa sa EDSA Shrine at isa sa TriNoma. Ang shuttle sa EDSA Shrine at aalis dakong 5:00 am at ang sa TriNoma ay 6:00 am.

Ipatutupad na rin daw ang flexi-time at four-day work a week at ang shuttle service nga mula at patungo sa Clark.

Habang ang subsidized accommodation para sa mga empleyado ay kasalukuyang pinag-uusapan.

O kaya naman, puwede raw lumipat sa attached agencies ang ibang empleyado.

Marami naman palang options…

Kapag lumipat ba sa attached agency ang isang empleyado ganoon pa rin ang benepisyo at suweldo na kanilang matatanggap?!

Sabi nga natin, nanganganay ang ahensiyang ito sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Tugade.

Abangan natin kung maluwalhati ang panganganay na ‘yan ni Secretary Tugade.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *