Friday , November 22 2024
customs BOC

BoC training academy kontra korupsiyon nais itayo ni Faeldon

NARITO ang isang magandang proyekto at programa na kahit ang inyong lingkod ay sumusuporta.

Ang training academy para sa Bureau of Customs (BoC).

Bukod-tangi nga namang ang BoC lang ang walang training academy.

Ang National Bureau of Investigation (NBI) mayroon sa Tagaytay. Ang Bureau of Immigration (BI) mayroon sa Clark. Ang Department of Education (DepEd) mayroon sa Baguio ganoon din ang Department of Justice at ang Supreme Court.

Bakit nga ba ang BoC ay wala hanggang ngayon?!

Kaya bilib at saludo tayo at nakita ito ngayon ni Commissioner Nicanor Faeldon.

Isa nga naman itong programa na makatutulong para maipatimo sa mga taga-BoC kung paano maglilingkod nang tama sa gobyerno at sa publiko.

Maganda rin itong daluyan ng mga hinaing ng mga empleyado ng BoC para mabilils na makarating sa kinauukulan.

Kung mayroong training academy ang BoC makatutulong ito para sa tuluyang pagpo-professionalize ng kanilang hanay.

Naniniwala si Commissioner Faeldon, sa pamamagitan ng training academy ay unti-unti maitataas ng mga empleyado ang kanilang kasanayan sa pagha-handle ng iba’t ibang kaso.

Dito rin nais hubugin ni Commissioner Faeldon ang mga susunod na Customs personnel na maipagmamalaki ang kanilang trabaho at maisapuso ang malinis na paglilingkod na malaya sa korupsiyon at katiwalian.

“You will be seeing a training academy of the Bureau of Customs. You know, we are 115 years old as agency of the Philippine government but we don’t have training school,” ani Faeldon.

“They don’t have trainings but they have ranks, they are uniformed. We don’t have standards, why? Because we have bad system.”

Nais ni Commissioner Faeldon na tawagin itong Manila Maritime Training District at mapapabilang sa mga pasilidad na ipapatayo sa loob ng inookupahang tanggapan ng BoC sa Maynila sa ilalim ng Philippine Ports Authority (PPA).

“This will be a facility where we tell our people from day one that corruption is not a practice in this bureau,” buong pagmamalaking pahayag ni Commissioner Faeldon.

Suportahan ‘ta ka diyan, Commissioner!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *