Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Noven Belleza, pinayagang makapagpiyansa

 

MAKAUUWI na ang Tawag ng Tanghalan Grand Champion na si Noven Belleza pagkaraan ng tatlong gabing nasa police custody matapos payagang makapagpiyansa.

Umaabot sa P120,000 ang inirekomendang halaga ng piyansa.

Sa statement na ipinalabas ng ABS-CBN Head-Integrated Corporate Communications na si Kane C. Choa, ibinalita nito ang ukol sa pagpayag ng Regional Trial Court ng Cebu na makapagpiyansa ang naturang singer.

Pinanindigan naman ni Belleza na hindi niya ginawa ang naturang krimen at patutunayan niyang inosente siya sa ibinibintang sa kanya.

Sa balitang aming nakalap, pinababa ng Cebu City Prosecutor’s Office ang kasong nai-file kay Belleza—mula sa rape pababa sa sexual assault. Si Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño, ang nag-examine ng mga ebidensi-yang iprinisinta sa kanya, at mula rooý sinabi nitong ang tamang kasong dapat i-file kay Belleza ay sexual assault.

Narito ang kabuuang statement ng ABS-CBN

“Noven Belleza posted bail today in connection with the charge of sexual assault filed with the Regional Trial Court of Cebu City.

Noven asserts that he did not commit the crime charged and he will prove his innocence in the course of the legal proceedings.”

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …