Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P4.2-M sibuyas mula China nasabat ng BoC

IPINAKIKITA nina Bureau of Customs – Customs Intelligence Investigation Services (BoC-CIIS ) Director Neil Estrella, Manila International Container Port (BoC-MICP) District Collector Atty. Vincent Maronilla, at CIIS-MICP Intelligence Officer Teodoro Sagaral, ang P4.2 milyon halaga ng smuggled onions na nasabat sa Manila International Container Port. (BONG SON)

NASABAT ng Bureau of Customs (BoC) ang mga sibuyas sa Manila International Container Port (MICP), sinasabing ipinuslit mula sa China, at P4.2 milyon ang halaga.

Na-intercept ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang tatlong container vans na puno ng kontrabando, ayon sa BoC.

Ayon sa natanggap na ulat ng CIIS, ang mga sibuyas ay tinakpan ng fresh garlic.

Ang mga sibuyas ay naka-consign sa Equicent Import and Export Corporation, may business address sa U253, 2F Velco Centre Building, R.S. Oca kanto ng Delgado St., Port Area, Maynila.

Tanging 80 bags ang bawang mula sa 2,800 bags na natagpuan sa nasabing shipment, paha-yag ni CIIS-MICP Intelligence Officer Teodoro Sagaral.

“The import permit presented covers the fresh garlic only but it doesn’t account for the onions beneath the declared garlic,” ayon kay Sagaral.

Sinabi ni CIIS director Neil Estrella, ang importers ay walang import permits mula sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Bilang ahensiya ng Department of Agriculture, ang BPI ay nag-iisyu ng permits sa sibuyas at bawang.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …