Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kita Kita graded A sa CEB; AlEmpoy, nagpangiti at nagpa-iyak sa moviegoers

KITA na namin kung bakit nakakuha ng Graded A sa Cinema Evaluation Boardang pelikulang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez dahil napaka-heartwarming ng pelikula.

Akalain mo dahil sa repolyo ay napasaya at napangiti ni Lea (Alessandra) si Tonyo (Empoy) na noo’y madilim ang mundo nito dahil heartbroken siya at naging palaboy siya sa kalye ng Sapporo, Hokkaido Japan.

Ito ang kuwentong mapapanood sa kalahating bahagi ng Kita Kita base sa point of view ni Tonyo (Empoy) hindi kasama sa trailer dahil ito ang twist ng istorya.

Ang gustong ipahiwatig ni Direk Sigrid Andrea Bernardo sa Kita Kita ay a little act of kindness can save a soul na akala ng lahat ay si Alex ang isinalba ni Empoy sa pelikula dahil nga nagkaroon ng temporary blindness ang dalaga dahil sa stress.

In return ang pagtulong ni Empoy kay Alex sa magandang ginawa sa kanya ng dalaga.

Masaya at nakaaaliw ang unang bahaging kuwento ng Kita Kita base na rin sa napapanood sa trailer pero iiyak ka sa huli.

Magaan panoorin ang tambalang AlEmpoy dahil napaka-natural ng banter nila kaya inisip nga namin kung kasama sa script iyon o adlib nila dahil kaswal ang bitaw nila ng mga salita.

Marami pa sana kaming gustong ikuwento, pero ayaw naming i-preempt ang mga manonood ng Kita Kita na kasalukuyang palabas ngayon sa mga sinehan nationwide.

Tama si Binibining Joyce Bernal, hindi ito typical romcom movie, it’s a romance reality movie.

Ang Kita Kita ay produced ng Spring Films at distributed ng Viva Films mula sa direksiyon ni Bernardo.

ni REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …