Sa gitna ng mga nagaganap ngayon sa lalawigan ng Marawi, marami na naman tayong nakikitang press releases na nagsasabing naglikom sila ng maitutulong, in cash and in kind, sa mga bakwit sa lalawigan.
Sa unang tingin, nakatutuwa ang kanilang ginagawa, ‘yan ay kung totoo ito sa kanila.
‘Yung mga nauna, naniniwala tayong nakarating sa mga taga-Marawi, pero itong iba na nakikita nating huli na at parang mga nagsigaya lang, mukhang hindi totoo ang layunin nila na makatulong.
At hindi natin alam kung talagang nakararating nga.
O ginagamit lang nila sa kanilang propaganda o papogi points?!
O gusto pang pagkakitaan!?
Nakikiusap lang po tayo doon sa mga nangangalap ng pondo at tulong na hindi naman awtorisado, huwag na po ninyong gawin.
Adding insult to injury po ‘yan.
Hindi ninyo alam kung ano ang tunay na kalagayan ng mga kababayan natin na naiipit sa nagaganap na labanan sa Marawi.
Lalo na po ‘yung matatanda at mga bata, mga babae, mga may dinaramdam sa kanilang kalusugan at higit sa lahat, ‘yung gutom na halos hindi na nila alam kung ano ang pakiramdam ng busog at kontento.
Kaya please lang po, huwag na po sanang gamitin ang kanilang sitwasyon.
Huwag gamitin sa pagpapapogi.
Kung gusto ninyong tumulong talaga, hindi na kailangan ipangalandakan.
Tumulong kayo nang tama.
‘Yun lang po.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com