Saturday , April 12 2025
shabu drug arrest

2 tulak ng droga huli sa drug-bust

 

TIMBOG ang dalawang drug personality matapos maaktohang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Balingkit St., Malate, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Roberto Santos, 37, residente sa Int. 2 Balingkit St., at Bryan Diaz, 28, residente sa nasabing lugar ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni Senior Inspector Dave Ferraz Garcia, dakong 1:05 am kahapon nang magkasa ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakom-piska ng apat na pakete na hinihinalang shabu at P200 buy-bust money.

Isinailalim sa qualitative at quantitative examination ang mga nakuhang ebidensiya sa MPD Crime Laboratory Office (MPDCLO) samantala pansamantalang nakapiit sa PS-9 Custodial Facility sina Roberto at Bryan para sumailalim sa inquest proceedings.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALEXIS ALATIIT)

 

About hataw tabloid

Check Also

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Chiz Escudero Imee Marcos

Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy

DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan …

Vince Dizon DOTr

Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr)  Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *