Monday , November 25 2024

Ano ang ‘lihim ng Guadalupe’ sa BI Bicutan warden’s facility!?

KAMAKAILAN ay nag-inspeksiyon si BI-Deputy Commissioner Aimee Torrefranca-Neri sa Warden’s Facility diyan sa Bicutan.

Inalam ng bagong upong deputy commissioner kung ano talaga ang status ng karamihan sa mga nakakulong dito.

Tinignan din niya kung umaayon sa standards ang naturang pasilidad gaya ng standards ng mga kulungan sa ibang bansa. Kung naba-violate ba ang karapatan ng mga banyagang nakakulong doon.

Inalam din niya kung ano ang pagkukulang sa seguridad at nagkakaroon ng sunod-sunod na pagtakas sa kulungan.

Well, timely ang pagbibigay ng atensiyon ni AC Neri dahil may mga nakararating na naman sa atin na hindi kanais-nais na info tungkol sa pagpapatakbo ng pasilidad.

Sa assessment ni AC Neri ay dapat nang i-decongest ang nasabing kulungan at pabilisin ang proseso ng deportation para maiwasang pagkaperahan ang mga nakakulong na banyaga!

Lalo pa ngayon na walang overtime pay na natatanggap, hindi malayo na mag-isip dumiskarte ang ilang guwardiya riyan para lamang magkaroon ng ekstrang kita.

Dapat din ipagbawal ang pagmo-moonlighting ng mga empleyado ng Bureau na naka-assign sa nasabing facility.

May umabot na report sa atin na hanggang ngayon ay may linggohang ‘tara’ na tinatanggap ang ilang ‘matalas’ na empleyado na dati nang humawak sa pasilidad!

Madalas daw kasing makita ang isang intel agent 0-2-10 na pabalik-balik sa kulungan kahit hindi na siya dito naka-assign o konektado.

Siya yata ‘yung nakabili ng bagong SUV kahit walang tinatanggap na OT pay?!

‘Di lang natin alam kung may basbas si Commissioner Jaime Morente sa pagmo-moonlighting ni agent 0-2-10 sa warden’s facility?

Sa ginawang inspeksyon ni Depcom Neri, sana ay masolusyonan niya ang mga problemang matagal nang idinaraing ng mga presong foreigner maging ang ‘lihim ng Guadalupe’ na itinatago ng mga guwardiya rito!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *