ISANG opisyales ng Metro Manila Councilors League (MMCL) ang labis na nagpapasalamat sa mga beteranong konsehal ng Quezon City sa kanilang hindi malilimutang ambag upang maitatag ang Philippine Councilors League (PCL) noong 1988.
Ayon kay District 1 Councilor Peter Anthony “Onyx” Crisologo, napakalaki ng papel na ginampanan ni yumaong Councilor Guillermo Willy Altuna upang mabuo ang isang national councilors league.
“Dito sa Quezon City isinilang ang PCL 29 years ago. Dapat pong malaman iyan ng ating mga kababayan,” aniya.
Si Altuna ang kauna-una-hang national chairman ng PCL.
“Nais rin ng MMCL na pasalamatan ang ating mga beteranong mambabatas na sina Councilors Eufemio Lagumbay ng District 3, Victor Ferrer Jr. ng District 1 at Godofredo Liban II ng District 2. Twenty-nine years ago when they were still young councilors, they were responsible for the PCL creation, too,” saad ni Crisologo, MMCL board member.
Nitong nakaraang sixth board meeting ng MMCL na ginanap sa Marikina City, nagkasundo ang lahat ng board members na kilalanin ang mga hindi matatawarang kontribusyon nina Altuna, Lagumbay, Ferrer at Liban sa pagkakatatag ng PCL sa dara-ting nitong 30th founding anniversary na gaganapin sa 2 Septyembre 2018.
“Mayroon po kaming mas malaking plano kung paano namin sila mapapasalamatan at mapaparangalan. Nang dahil sa kanila, naiangat natin sa mas mataas na antas ang mga usa-pin ng ating mga lokal na mambabatas at kanilang mga constituents,” aniya.
Ang MMCL ay pinangunguhan ng kanilang pangulo na si District 2 Councilor Carolyn Cunanan ng Caloocan City.
(RAMON ESTABAYA)