Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, aminadong mukhang butiki noong nag-uumpisa sa showbiz (Gandang-ganda kay Kathryn)

 

NATUMBOK kay Kathryn Bernardo ang tanong kung kailan niya nararamdaman na maganda siya. Cover kasi ang KathNiel sa Yes! 100 Most Beautiful Stars 2017 special issue.

“Siguro po, kapag nai-stress ako. O, ‘pag alam niya na hindi ako comfortable sa hitsura ko, sa ganyan. Siya ‘yung nandiyan para ipa-feel sa akin na ‘ok lang naman.’ And ganoon din siguro ako sa kanya. ‘Yun naman ang importante, hindi n’yo bad-trip-in ang isa’t isa. Kailangan may isa talaga na magpapa-feel good sa ‘yo and masasabi ko, ganoon naman si DJ sa akin,” deklara ng young actress.

Kahit naman si DJ (Daniel Padilla), aminado siya na mukha siyang butiki noong nagsisimula siya sa showbiz pero malaki na ang improvement ng hitsura niya ngayon.

“Ako, lagi lang kailangan kong sabayan si Kathryn. Kailangan kong sabayan ang dating ni Kathryn. Hindi puwedeng maiwanan ako, baka bastedin ako,”sambit niya sabay tawa.

“At saka ano lang, siguro, when you feel good, you look good. ‘Yun lang ‘yun,” sey pa ng aktor.

Ayon pa kay Kathryn, hindi nila alam na para sa cover ng magazine ang mga photo shoot na ginawa nila.

”Akala ko lang maraming lay-outs for the loveteams siguro, pero hindi ko alam na cover ‘yun, and then, noong patapos na, roon ko lang nalaman na ‘okay, cover nga siya.”

Akala kasi ni Kathryn, hindi na siya maico-cover ulit dahil nai-cover na sila ni Julia Montes noong Mara Clara days.

“Grabe, hindi ko nga po alam na puwede nga po ‘yun, na maulit. Kaya noong nalaman ko na magko-cover ulit ako and this time, with DJ, sobrang honored ko po and very thankful sa YES family kasi kami ‘yung napili nila,” bulalas pa niya.

AMINADONG
GANDANG-GANDA
KAY KATHRYN

Nasa anim na taon na ang loveteam ng KathNiel kaya tinanong si DJ kung type na ba niya si Kathryn noong umpisa pa lang?

“Nung una kong nakita si Kathryn, hindi naman kaagad na parang liligawan ko agad, hindi naman. Maganda po talaga si Kathryn noong una ko siyang nakita, compared naman sa akin, mukha akong butiki na tumatayo. Pero rati lang ‘yun,” tugon pa niya.

Boom! (ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …