Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, kitang-kita ang kasiyahan

 

PATOK sa rom-com ang tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Ngayon pa lang ay nararamdaman na ang pag-hit ng pelikula nilang Finally Found Someone.

Hindi ba nila napag-uUsapan na gumawa rin sa mga susunod na proyekto ng straight drama na umaatikabo ang aktingan?

“That would be very interesting. ‘Yun nga, sabayan natin ‘yung growth niyong tandem. Pero parang hindi pa siguro handa, hindi lang ‘yung audience, siguro kami, our respective brands, siguro hindi pa handa for that material.

‘But you know, sobra naming iko-consider ‘yan. Kapag ramdam mo na, kapag nandoon na, if it’s time, it’s time. So baka roon mangyari. But for now, ayaw naming ipilit,” deklara ng Home Sweetie Home actor.

Inamin din ng actor na hindi nawawala ang special na pagtingin niya sa Pop Princess.

“I wonder kung mawawala ‘yun . Ano ba, life is short,” anito.

Pero masaya si John Lloyd kung may boyfriend man ngayon si Sarah sa piling ni Matteo Guidecilli.

“Oo naman. Masayang-masaya ako para sa kanya,” sambit pa ng aktor.

Naramdaman ba niya na masaya si Sarah sa buhay niya ngayon?

“Basta okay siya, masaya siya, mukha naman siyang inspired, okay na ‘yun. That’s more than enough,” sambit pa nto.

Anyway, ang Finally Found Someone ay hindi continuity ng naunang tatlong pelikula nila . Ito ay mula sa direksiyon ni Theodore Boborol. Makakasama nila sina Christian Bables, Joey Marquez, Yayo Aguila, Tetchie Agbayani, Dennis Padilla, Alwyn Uytingco at marami pang iba.

Boom!

 

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …