Friday , April 18 2025

Tigil-pasada ngayon tiniyak ng transport groups (Protesta vs jeepney phase-out)

MAGSASAGAWA ng protesta ngayong araw, Lunes, ang transport groups upang hikayatin si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang modernization program ng gobyerno sa public utility vehicles.

Ang mga grupong PISTON, No To Jeepney Phaseout Coalition, at Save Our Jeepneys Network ay sisimulan ang kanilang protesta dakong 7:00 am sa Quezon City Elliptical Circle, bago magmartsa patungo sa Mendiola.

Tinuligsa ni Piston President George San Mateo ang PUV modernization program ng gobyerno, sinabing ito ay simpleng pamamaraan ng pagpapasa ng public transports sa kamay ng mga korporasyon.

“Hindi naman tayo tumututol sa pagsasaa-yos ng ating mga sasak-yan. Ang ating tinututulan ‘yung pamamaraan ng ating pamahalaan,” pahayag ni San Mateo.

Aniya, ang PUV mo-dernization program ay kopya lamang ng nais i-patupad nina dating Transport Secretaries Mar Roxas at Jun Abaya noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

“Kinopya lang po ‘yan. Noong 2015 pa po ‘yan. ‘Yan ang gustong ipatupad ng gobyernong Aquino. Tapos napigil lang natin ‘yan. Tayo po ay nangalampag nagprotesta,” aniya.

Giit ni San Mateo, imbes i-phase out ang lumang jeepneys para sa e-jeepneys, dapat tulungan ng gobyerno ang maliliit na operators at drivers na i-rehabilitate ang kanilang units.

Aniya, ang e-jeepneys ay napakamahal para sa maliliit na jeepney operators. Tanging malalaking kompanya lamang aniya ang makikinabang sa nasabing programa.

“Dini-dispute ko ‘yung konsepto ng gob-yerno na para sa kanila, pag ang sasakyan ay more than 15 years, ke okay pa ‘yan, phase out na ‘yan,” aniya.

“Sa Hong Kong nga e…. Sa Hong Kong po, 18,000 ang mga taxi roon. Ang mga taxi roon mga 1995 na Toyota Comfort. Hanggang ngayon bumibiyahe pa rin po,” dagdag niya.

Ani San Mateo, ang PUV modernization program ay hindi lamang makaaapekto sa operators kundi maging sa communuters dahil ito ay magreresulta sa mataas na pasahe.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *