Friday , April 18 2025

Gov’t employees, estudyante lumahok sa Metro Shake Drill

 

METRO SHAKE DRILL. Nakiisa sa Metro Shake Drill ang Lungsod ng Pasay City, sa pangunguna ni Mayor Antonino Calixto, upang ipakita ang tunay na paghahanda ng lungsod sa posibleng epekto ng tinaguriang “The Big One.” Ayon sa Pasay Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), naging matagumpay ang drill dahil sa mabilis na pagresponde ng mga empleyado ng pamahalaan. (ERIC JAYSON DREW)

DAAN-DAAN katao mula sa iba’t ibang sektor ang lumahok sa Metro Shake Drill ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, isinagawa ang earthquake drill upang ihanda ang publiko sa worst-case scenarios at upang mabatid kung gaano katagal bago makapagresponde ang lahat ng units sa kabila ng traffic at rush hour.

Isinagawa ng mga empleyado ng gobyerno ang “duck, cover and hold” makaraan marinig ang alarma, hudyat nang pagsisi-mula ng drill.

May takip na libro sa kanilang ulo, pinalahok din ang mga bata sa drill upang mabatid nila ang kahalagahan ng nasabing paghahanda para sa kaligtasan.

Bago ang pagsisimula ng drill, ang mga kalahok sa buong Metro Manila ay ini-orient ng MMDA personnel.

Para sa emergency purposes, nag-set-up ang MMDA ng communication centers at mga sasakyang may kargang mga gamot.

Ang Metro Shake Drill ay bilang paghahada sa posibleng paggalaw ng West Valley Fault, na ayon sa prediksiyon ng Japan International Cooperation Agency noong 2004, ay magreresulta sa 7.2 earthquake na tinaguriang “The Big One” sa Metro Manila.

Ito ay sinasabing posibleng humantong sa 35,000 patay, 115,000 su-gatan, at 170,000 wasak na mga estruktura.

 

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *