Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
sk brgy election vote

Barangay at SK elections hatulan na

ABA’Y mga ‘igan, huwag patulog-tulog sa pansitan!

Bigyang-linaw ang walang kasiguradohang barangay at SK elections sa bansa! Sus, kailan ba talaga ang arangkada nito? Meron ba o wala tayong aasahang eleksiyon sa taong ito?

Sa ngayon mga ‘igan, nakatengga ang usaping ito. Walang linaw, walang kasiguraduhan…

Sus ginoo!

Tumunog na nais ipagpaliban sa October 2018 ang barangay at SK elections. Umugong din na nais iurong sa Mayo 2020. Aba’y mga ‘igan, kung saka-sakaling ipagpaliban muli ang nasabing eleksiyon, mananatili umano sa puwesto ang mga ulupong ‘este nakaupong barangay officials…

OMG! Extended ba kamo?

Mga ‘igan, isa ito sa mga panukala sa Senado na ipagpaliban umano ang eleksiyon sa October 2018.

Sa kabilang banda, sa Kamara mga ‘igan, panukala nilang iatras umano ang eleksiyon sa May 2020.

Aba’y litong-lito na ang taongbayan! Ano ba talaga? Kailan ba talaga? Nawa’y husgahan na ng ating mambabatas ang panukalang pagpapaliban ng barangay at SK elections.

Dapat tuldukan ang usaping ito mga ‘igan nang mapaghandaan sa tamang panahon, partikular ng Comelec, maging ng mga lalahok sa eleksiyon at higit sa lahat, ng mga botanteng pipili ng karapat-dapat na kandidato sa mga posisyong ihahain.

Ang matindi rito mga ‘igan ay paggamit ng pondo na magmumula sa kaban ng bayan, tapos sa katapusan ay hindi pala tuloy at walang eleksiyong magaganap.

Sayang ang pondong galing sa kaban ng bayan…sayang ang pagod sa paghahanda, ‘di ba mga ‘igan?

Tuldukan na ‘yan!

 

DIGONG MAGDILANG ANGHEL

TAMA ka ‘igan, nawa’y magdilang anghel si Ka Digong na matatapos ang pakikipagbakbakan o giyera sa Marawi sa loob ng labing-limang (15) araw dahil sa dami na umanong napapatay na terorista.

Posible kaya ito mga ‘igan? Posible kayang matapos na ang krisis na ito sa Marawi City sa loob ng 15 araw?

Hari nawa…

Ayon kay Ka Digong… “I hope that things can, I need about 15 more days. Hindi lang kasi…nahirapan tayo…But ang hindi ko talaga alam…karami ng armas, anak ng… hindi maubusan.”

Aba’y mga ‘igan, magdilang anghel nawa si Ka Digong na umaasa ring matatapos na ang digmaang ito sa Marawi.

Ilang beses tinangkang bisitahin ni Ka Digong ang mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City. Ngunit, bigo, sapagkat una, dahil sa sama ng panahon at malakas na ulan. At siyempre, pinangangambahan din ang kaligtasan ni Ka Digong. Baka nga naman masulyapan at matsambahan ng snipers ‘e tamaan nang hindi oras ang ating Pangulo!

“The other day I attempted again, but Marawi is always a rainy place. I was circling Marawi, I could not land, I could not go nearer baka matsambahan kami ng Barrett na caliber 50,” ani Ka Digong.

“Kapag tinamaan ang gasolinahan niyan, sasabog talaga ‘yan . But I really wanted to be there to be just with the fighting security forces maski magpakita lang don…,” dagdag ni Ka Digong.

Ang matindi sa sinabi si Ka Digong…”Basta matamaan dito lang sa puwet, ‘wag lang sa harapan. Sa likod, sa puwet wala ‘yan, buto lang diyan…”

He he he… correct ka d’yan Ka Digong!

Sa wakas, matatapos na rin ang giyera sa Marawi. Nawa’y kasabay nito ang katapusan din ng karahasang dala ng ISIS sa bansa. Kapit-kamay lang mga ‘igan, makialam at suportahan ang ating mga kababayang nasa gitna ng karahasan.

Pagkatapos ng Marawi, humanda na ang mga tiwali sa lipunan!

Abangan ang mag-jowang tiwali sa Quezon City Hall na alyas Madam at Bosing…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI – ni Johnny Balani

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …