Sunday , December 14 2025

Anak ni Jeric kay Alyssa Alvarez, ‘di binabanggit

 

SUMUPORTA si Jeric Raval sa baguhang action star na si AJ Muhlach sa pelikulang Double Barrel: Sige Iputok Mo ng Viva Films. Showing ito sa August 2.

Nararamdaman ni Jeric na pabalik na ang sigla sa action film gaya ng aksiyon-serye sa telebisyon na FPJ’s Ang Probinsyano. Umaasa siya na muling tatangkilikin ng moviegoers ang action movies.

Sa presscon ng Double Barrel, mukhang bata pa rin si Jeric. Ang sikreto niya ay walang bisyo, hindi nagsisigarilyo, at umiinom ng alak. Hindi na siya makahinga ‘pag nakakaapat siyang beer.

Malalaki na ang mga anak ni Jeric at walo lang ang kini-claim niya. Kasama niya noong araw na ‘yun ang anak nila ni Monica Herrera na pumirma na rin ng kontrata sa Viva.

Pero noong sabihin naming dalawa na pala ang anak niya na pumasok sa showbiz, anak lang ni Monica ang binanggit niya. Hindi niya natukoy ang anak nila ni Alyssa Alvarez na si AJ Raval na nasa GMA Artist na.

Nagtataka lang kami kung bakit ‘yung unang asawa lang niya at si Monica ang ikinukuwento niya sa one on one interview. Mukhang edited pagdating kay Alyssa.

Pakilinaw nga Jeric.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …