Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AJ, nagpakita ng butt, nagtatakbo rin habang naka-brief

 

GOODBYE na si AJ Muhlach sa imaheng boy-next-door ngayong siya na ang “newest action star” ng Viva Films sa Double Barrel mula sa premyadong director na si Toto Natividad. Kapareha niya rito si Phoebe Walker na nagwaging Best Supporting Actress sa 2016 Metro Manila Film Festival para sa kanyang pagganap sa horror movie na Seklusyon.

Ibinuhos na lahat ni AJ sa Double Barrel. May eksena siya na nagpakita ng ‘butt’ sa love scene nila ni Phoebe. Plaster lang ang suot nila.

Ayon kay Phoebe, gentleman si AJ at pinrotektahan siya para ‘di masilipan kesehodang ‘lumantad’ ang puwet ni AJ.

May eksena rin na tumatakbo si AJ na naka-brief lang sa ibabaw ng bubong. Magpipista talaga ang mga bading kay AJ, huh!

Si AJ ang gumanap bilang Jeff, isa sa mga drug pusher na nahuli ng mga pulis. Nang magmakaawa itong huwag patayin, ginawa siyang asset ng mga pulis para ituro ang mga drug lord at samahan sila sa pagpatay sa mga ito.

Base sa totoong kuwento, ang pelikulang ito na puno ng umaatikabong bakbakan at habulan ng mga rumaragasang sasakyan.

Makikita sa Instagram post ni AJ noong nakaraang Marso na dumaan siya sa matinding fitness training. Ipinakita ng dating miyembro ng boy group na XLR8ang kanyang magandang pangangatawan na bagay sa karakter na kanyang ginagampanan. Bago dumating ang big break na ito, lumabas sa ilang sikat na pelikula si AJ, tulad ng Diary ng Panget, Talk Back and You’re Dead, Para sa Hopelesss Romantic, Chain Mail, at Felix Manalo.

Nagkaroon rin siya noon ng teleserye na P.S. I Love You, at Bagets Just Got Lucky.

Mapapanood ang Double Barrel sa mga sinehan simula August 2, 2017.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …