Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Best Actress trophy ni Vilma, tinanggap ni Luis

 

SA kauna-unahang The Eddys Entertainment Editors’ Awards, ng SPEED(Society of Philippine Entertainment Editors, Inc.) na ginanap sa Kia Theater noong Sunday, si Congw. Vilma Santos ang itinanghal na Best Actress para sa mahusay niyang pagganap bilang powerful lady at mommy ni Xian Lim sa pelikulang Everything About Her.

Sayang nga lang at hindi personal na natanggap ni Ate Vi ang kanyang trophy. Nasa America kasi ito ngayon. Ang tumanggap ng award niya ay ang panganay na anak niyang si Luis Manzano, na host ng gabing ‘yun, kasama ang kanyang amang si Edu Manzano.

Kung present sana sa okasyon si Ate Vi, ang gandang tingnan na magkakasama silang pamilya sa stage, ‘di ba?

Mukhang taon ngayon ni Ate Vi sa pagtanggap ng Best Actress trophy, huh! Bago kasi ang The Eddys , ay siya rin ang hinirang na Best Actress sa Gawad Tanglaw,PASADO Awards, at sa iba pang award giving bodies.

Talagang hindi tumitigil ang pagdating ng acting awards kaya Ate Vi, huh!

To Ate Vi, our congratulations!

Si Paolo Ballesteros naman para sa role na transgender sa Die Beautiful ang itinanghal na Best Actor. Si John Lloyd Cruz ang Best Supporting Actor para sa Ang Babaeng Humayo, at si Angel Locsin ang Best Supporting Actress para rin sa Everything About Her.

 

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …