DUMAAN ang isang kaanak natin sa siyam na araw ng pinakamalungkot, pinakamasakit at pinaka-nakagagalit na sandali sa kanilang buhay.
Last June 30, the most precious gift of God to them was struck by fever due to viral infection.
(S’yempre hindi nila alam agad na viral infection iyon or the baby was contaminated by that kind of virus in the first hospital — San Juan De Dios).
Ang alam nila, nilalagnat siya at nagkombulsiyon kaya kailangan dalhin sa pinakamalapit na ospital.
Since the nearest hospital is San Juan De Dios, they were obliged to bring the baby there.
Sa kaiisip na baka ma-traffic papunta sa St. Luke’s Global kaya roon muna nila dinala sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay City.
Pero iyon pala ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa nila at pagsisisihan habang buhay.
Ang daming ospital sa paligid na highly equipped like St. Luke’s Global or Manila Doctors’ Hospital or Manila Medical Center na puwedeng pagdalhan pero inisip nila ‘yung pinakamalapit dahil nga sa kombulsiyon.

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com