Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Walang pumapatol kay Joma

 

KAMAKAILAN ay nagsalita na naman si Joma Sison, ang pinuno ng mga dogmatikong grupo ng komunista sa bansa, at parang sirang plaka nang akusahan si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na hindi raw interesado sa usapang pangkapayapaan.

Sabi nitong si Joma, ang pamahalaan daw ay patuloy sa all-out war policy laban sa NPA sa kabila ng mga naunang unilateral ceasefire na magkahiwalay na idineklara ng magkabilang pa-nig.

Dinugtungan pa nitong si Joma ang kanyang litanya na ang pamahalaan ay interesado lamang sa “surrender and pacification of the revolutionary forces and people.”

Hibang na talaga itong si Joma!

Palibhasa kasi matanda at sakitin na itong si Joma kaya kung ano-ano na lang ang kanyang sinasabi kahit wala namang matibay na batayan. Hindi ba alam ni Joma, sa gitna ng pag-uusap ng government panel at ng NDF, e, patuloy ang mga pag-atake ng NPA?

Kaya nga napikon si Digong at sinuspendi na ang 5th round ng negosasyon dahil sa ginagawa ng NPA. Matapos magdeklara ng batas militar si Digong sa Mindanao, hindi ba’t ipinag-utos ni Joma ang military offensives?

At kung tuluyan na ngang maibasura ang peace talk, walang dapat sisihin dito kundi si Joma lamang. Hindi matinong kausap at pabago-bago ng posisyon at pahayag ang kanyang mga binibitiwan.

Kung tutuusin, pasalamt pa nga si Joma na pinatulan pa siya ni Digong para magkaraoon muli ng peace talks dahil wala talagang miyembro ang grupong komunista. Luma at laos na ang ideolohiya ng komunismo at hindi na pina-patulan.

Kahit ang legal front organization ng komu-nista, tulad ng Bayan, KMU, LFS at iba pang grupo ay halos wala nang kasapian dahil sawang-sawa na sa kanila ang taongbayan sa paulit-ulit at walang saysay na prinsipyo at paniniwala.

Ang mga komunista ay nagpaiwanan na sa panahon. Paulit-ulit na lang ang mga sinasabi kaya nararapat lang na tuluyang ibasura ng pa-mahalaan ni Digong ang peace talks.

Sayang ang pera na iginugugol ng pamahalaan sa pakikipag-usap sa mga komunista. Walang saysay na makipag-usap sa mga komu-nistang pulpol!

Pinatunayan sa mga nagdaang administras-yon na walang naidulot na maganda sa pamahalaan sa sandaling makipag-usap ang gobyerno sa mga komunsita.

Gagamitin ng mga komunista sa kanilang propaganda ang peace talks.

Layunin ng grupo ni Joma na magkapagtayo ng isang pamahalaan na kontrolado nila tu-ngo sa pagpapatatag ng gobyernong komunismo. Hindi na ito bagong taktika ng grupo ni Joma, tumanda na lamang sila pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin na magkakaroon ng katuparan ang kanilang nahihibang na paniniwala. Aksaya lang sa panahon kung makikipag-usap pa ang pamahalaan ni Digong sa grupo ng mga gurang na gaya ni Joma.

Tapusin na ang peace talks at durugin ang NPA at legal front organizations ng mga dogmatikong komunista.

SIPAT – Mat Vicencio

 

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *