Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marc Cubales, balik-pag-arte via The Syndicates

HINDI na maawat ang schedule ng international model-singer-businessman–show producer na si Marc Cubales dahil dire-diretso. Hinawakan siya ulit ng dating handler niya sa UK. Madalas siyang nasa UK at busy siya ngayon sa pagsu-shoot ng international movie na The Syndicates na kinukunan sa ‘Pinas at Vietnam.

Maikli pero challenging ang role niya dahil young gay Twinkish ang role niya na part ng sindikato at anak ng influencial family sa Philippines. May eksena pa siya na gumamit ng sasakyan na ang plate number ay 8 bilang part ng pelikula.

Nag-diet at nagpaganda ng katawan si Marc bago sinimulan ang project na ito. At least, bagong Marc ang image at packaging na makikita sa kanya.

Bakit gusto pa mag-work sa showbiz ng isang London boy na gaya ni Marc samantalang nasa kanya na ang lahat?

“Gusto kong ituloy ‘yung pangarap ni Mama na hindi natupad. Malaking bagay na mapasaya ko siya,” pakli niya.

Pumasok din sa showbiz ang kanyang ina na si Mrs. Romana Condolero Cubales noong Sampaguita days pero maaga itong nawalan ng interes.

Seseryohin na rin ni Marc ang pagkanta dahil gagawa siya ng album. Naghahanap siya ng composers at mga kanta na puwede niyang i-revive.

Na-miss din niya ang kumanta sa concerts. “Kapag pumapalakpak sila, natutuwa ako,” sey pa niya.

Magtatayo rin ng restaurant sa Eastwood at BGC na mixed of fusion at old British pub ang ambiance. Magastos ang konsepto niya sa resto pero pang-international ang dating.

Tuloy pa rin ang mga charity work ni Marc lalo na sa kanilang lugar sa San Mateo, Rizal na nagtayo ng Coop at nagbigay ng kabuhayan sa mga kababayan niya. Nagbigay din siya ng scholarship sa mga mahihirap na bata. Masarap ang pakiramdam na nakatutulong sa kapwa.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …