Thursday , June 4 2026

P134-M illegal drugs sinira ng PDEA

 WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P134 milyon halaga ng shabu at marijuana sa thermal decomposition sa Clean Leaf International Corp. sa Brgy. Maysilo, Malabon City. Sinaksihan ito nina RTC Branch 98 Judge Marilou Runez Tamang, PDEA Director General Isidro Lapeña, at mga kinatawan ng DoJ, DDB, PAO at NGO.  (ALEX MENDOZA)
WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P134 milyon halaga ng shabu at marijuana sa thermal decomposition sa Clean Leaf International Corp. sa Brgy. Maysilo, Malabon City. Sinaksihan ito nina RTC Branch 98 Judge Marilou Runez Tamang, PDEA Director General Isidro Lapeña, at mga kinatawan ng DoJ, DDB, PAO at NGO. (ALEX MENDOZA)

SINIRA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Martes ang P134 milyon halaga ng ilegal na droga na nakompiska sa mga serye ng operasyon.

Gumamit ang PDEA ng thermal decomposition para sirain ang 44 kilo ng marijuana at shabu, sinunog ang mga ito sa loob ng dalawang chamber hanggang maging abo.

Ayon kay PDEA Director General Isidro Lapeña, nakom-piska ang droga mula sa apat drug suspect na inaresto sa Brgy. Manresa, Quezon City nitong Nobyembre 2016.

Nai-turn over na aniya ang mga ito sa korte at hindi na kailangan bilang ebidensiya.

Dagdag ni Lapeña, sinira nila ang mga naturang shabu at marijuana upang hindi isipin ng publiko na inire-recycle ang mga nasasabat na droga at inilalako muli sa merkado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …