Friday , November 15 2024

Ang Katipunan

SA darating na Biyernes ay ika-125 taon ng pagkakatatag ng Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK AnB o Katipunan) ngunit hanggang ngayon ay wala tayong nakikita o naririnig man lamang na organisadong kilos ng pambansang pamahalaan upang ito ay gunitain.

Mas pinagtuunan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang madugong digmaan laban sa bawal na gamot kaysa balik tanawin ang dakilang pagsilang ng kilusan na nagbunsod sa pambansang himagsikan nuong 1896. Ang ganitong pagwawalang bahala ng pamahalaan sa Katipunan ay dagok sa kabayanihan ng mga katipunero lalo na kay Gat Andres Bonifacio.

Noong gabi ng ika-7 ng Hulyo 1892 sa tahanan ni Deodato Arellano sa 72 Calle Azcarraga (Claro M. Recto Avenue ngayon), sa harap ng estasyon ng tren sa Tutuban, Tondo, Maynila ay itinatag ni Bonifacio at ilang mga kasama ang KKK matapos nilang makita na walang mangyayari sa repormistang La Liga Filipina na itinayo ni Dr. Jose Rizal.

Ang pagkakatayo ng Katipunan ay konkretong epekto kay Bonifacio at kanyang mga kasama nang pagbitay kina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora noong ika-17 ng Pebrero 1872. Nagkakaisa ang halos lahat ng mga historyador na Filipino na ang pagpatay sa tatlong pari ang simula ng pagniningas ng damdaming makabansa nating mga Filipino.

Ang Gomburza ang nag-udyok sa mga propagandista sa pamumuno ni Marcelo H. Del Pilar at Rizal upang ilunsad ang kilusang repormista sa Espanya at dito na rin sa Filipinas.

Gayonman ay nakita ni Bonifacio ang kasalatan ng ganitong mga kilos kaya nagpasiya siya na itatag ang Katipunan, isang lihim na organisasyon na ang layunin ay palayain ang mga Filipino mula sa mga Kastila.

Hindi ang pagkakaroon na pantay na karapatan ng mga Espanyol at Filipino ang solusyon sa pagkaalipin ng bayan, tulad ng gustong mangyari ni Rizal. Nakita ni Bonifacio na ang tamang hakbang upang maibalik ang tunay na kalayaan at dangal ng ating lahi ay tahasang pag-agaw ng kasarinlan mula sa Kastila.

Bukod sa kamatayan nina Gomburza at mga mabalasik na panulat ni Del Pilar at Rizal, na naging inspirasyon ni Bonifacio, malaki rin ang ginampanan ng masoneriya sa pasya ng Ama ng himagsikang Filipino na maghimagsik. Si Bonifacio ay kasapi ng Taliba Lodge 165 ng Gran Oriente Espanyol kaya hindi kataka-taka na ang balangkas ng Katipunan ay kahawig ng masoneriya.

Mapangahas ngunit rebolusyonaryo ang kilos na ito ni Bonifacio. Tanging siya lamang ang naglakas ng loob sa panahong ito upang manindigan para sa kalayaan ng buong sambayanan habang ang mga propagandista ay watak-watak at nagtatalo-talo sa Europa.

Malinaw na ang rebolusyonaryong diwa ni Bonifacio ang dahilan kung bakit ipinagwalang-bahala ng mga Amerikano ang kanyang papel sa ating Kasaysayan at kung bakit lalo nilang diniinan si Rizal.

Ang epekto ng patakarang ito ng mga Amerikano ay makikita natin kung paano itinuturing ng mga naging pangulo ng bansa ang Ama ng himagsikang Filipino at ang Katipunan na kanyang sinimulan.

***

Sanggol na kasisilang lamang na iniwan sa basurahan sa NAIA. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *