Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Harlene, boto kay Kris, sakaling makatuluyan ni Bistek

NAKATSIKAHAN namin si Harlene Bautista sa yearly birthday treat ni Mayor Herbert Bautista sa movie press para sa buwan ng July, August, at September. Ginanap ito sa Salu Restaurant sa Sct Torillo, QC.

Ayon kay Harlene, nasa London ang Kuya Bistek niya kaya siya ang punong abala at nag-asikaso.

Tinanong siya kung boto ba siya na mapangasawa ni Mayor Herbert si Kris Aquino?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

“Nakita ko naman noon na happy si Kuya..noong time na ‘yun,”  dagdag  pa niya.

“Ang sa akin lang, kung sino man ‘yan, basta mahal siya ng totoo, may respeto sa kanya, mahal siya dahil mahal lang siya, ganoon, okey ako,” sambit pa ni Harlene.

Nagkabalikan ba sila?

“Hindi ko rin po alam,” pakli niya.

“Baka tsismis lang ‘yan,” sey pa niya.

Kailan ba pakakasal si Mayor?

“’Yan ang tanong… ha!ha!ha! Tanong ko rin ‘yun, eh. Ipagno-novena ko rin ‘yan,”tugon ng aktres.

Tungkol naman sa nakatatandang kapatid nina Harlene na si Hero Bautista, okey na ngayon, tumaba at lalabas na sa rehab.

Ang natutuhan ng pamilya in general, hindi lang kay Hero…salot talaga ang drugs.

Anyway, kasosyo ang Heaven’s Best Entertainment nina Harlene sa pelikulangLarawan… The Musical na intended para sa Metro Manila Film Festival.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …