Monday , December 23 2024

Liderato ng terorista gumuguho na — militar

GUMUGUHO na ang liderato ng mga terorista sa battle zone sa Marawi City, bunsod ng kanilang unti-unting pagkatalo sa sagupaan, ayon sa Philippine military kahapon.

Sinabi ni Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera sa press briefing sa nabanggit na lungsod, ang tagumpay ng mga tropa ng gobyerno ay “irreversible” dahil paubos na ang bala ng local terrorist group Maute at kanilang mga kasabwat.

Ani Herrera, ang isa sa katunayan nang nalalapit na tagumpay ng militar ay pagguho ng liderato ng mga terorista sa loob ng confict zone.

“We have validated reports there are leadership problems inside. They also lack ammunition,” ayon sa spokesman.

Aniya, kabilang sa mga problemang kinakaharap ng kanilang kalaban ay pagnanais ng Islamist militants na iwanan na lamang ang battlefield dahil ang kanilang defensive zone ay patuloy na lumiliit bunsod nang pag-abante ng mga tropa ng gobyerno.

Problema rin aniya ng mga terorista ang kawalan ng “resources” at pagbagsak ng kanilang komunikasyon.

“There is the issue of mo-ney, the issue of decision ma-king. Some of them, especially those other groups, would like already to get away from the battle zone. Gusto na nilang lumayas. However, there are some troops who wanted to stay behind to hold their positions,” aniya.

Sinabi ni Herrera, patuloy sa pag-abante ang kanilang mga tropa papasok sa lungsod na pinagtataguan ng nalalabing mga militante.

Aniya, na-clear na ng militar ang 86 gusali na dating hawak ng mga militante.

“We are, inch by inch, moving towards the center of gravity,” ayon kay Herrera. “These are the things that are affecting them in terms of morale. Mahina na sila.”

Aniya, ang tanging pumipigil sa mga tropa ng gobyerno sa ganap na pag-liberate sa Marawi mula sa islamist militants, ay presensiya ng itinanim na mga bomba at iba pang pampasabog sa battle zone, gayondin ang mga na-trap na mga residente at mga bihag.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *