Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy ayaw nang magpa-sexy, Banana Sundae iniwan na

“Ako pa, not at all,” tugon sa amin ni Luis Manzano sa chat with matching emoticon na nakatawa nang tanungin namin kung pinagbabawalan ba niya ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola na magsuot ng sexy sa”Banana Sundae.

Lumaki nga naman sa showbiz si Luis, naiintindihan niya ang ganitong trabaho at kung ano ang kailangan sa show. Wala namang isyu na ganyan sa kanya na nakikialam sa suot ng nobya  maski noong karelasyon pa niya sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado atbp.

How true na wala na si Jessy sa nasabing gag show dahil hindi sila magkasundo ng wardrobe?

May tsismis na ayaw na raw yata ni Jessy na magpa-sexy. Kung hindi kami nagkakamali, isa sa dahilan na kaya kinuha siya sa Banana Sundae ay para sa opening na medyo sexy pero hindi naman bastusin.

Isa pang nagpahinga sa Banana Sundae ay si Pokwang dahil sa maselan ang pagbubuntis.  Kamakailan, may eksena rin si Pokwang sa FPJ’s Ang Probinsyano na nagpaalam at sinundo ng BF. Senyales ‘yun na nagbabu na rin siya sa serye.

Pero patuloy sa pagpapatawa sa Banana Sundae  sina Angelica Panganiban,   Jason Gainza,John Prats, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, JC De Vera, Pooh, Jobert Austria, at Badji Mortiz. Abangan na lang kung sino ang mga guest nila na magbibigay aliw at magpapatawa sa mga netizen.

Ang  Banana Sundae ay napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng  ASAP 20. Ang iba pang weekend show ng Kapamilya Network ay ang  Goin’ Bulilit at Home Sweetie Home.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …