Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tore ni Acuzar binulabog ng bomb threat

NABULABOG sa isang bomb threat ang Victoria Towers sa Timog Avenue, Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Dakong 10:55 am nang kumalat ang balita kaugnay sa bomb threat sa condominium kaya agad pinalikas ang mga taong nasa commercial area ng gusali.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ngunit naging negatibo ang resulta ng kanilang inspeksiyon.

“Mayroon lang report sa amin na ipinapa-verify ito. Mayroong unusual activity sa 2nd floor, so far wala naman,” aniya.

Ininspeksiyon ang ikalawang palapag ng gusali na sinasabing naroroon ang bomba, ngunit walang natagpuan. Idineklara ng pulisya na ligtas ang gusali bandang 11:30 am at pina-yagan nang bumalik ang mga tao sa loob.

Pag-aari ng construction magnate na si Gerry Acuzar ang Victoria Tower.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …