Monday , December 23 2024

Cebu Pacific’s Riyadh-Manila flight na-delay (Bunsod ng technical problem)

NANATILI ang Cebu Pacific flight 5J 741 mula Riyadh patungong Manila, sa King Khalid International Airport sa Riyadh habang patuloy ang maintenance ng nasabing eroplano, kahapon.

Mayroong 432 pasahero ang nasabing flight, kabilang ang tatlong sanggol.

Ang mga pasaherong may visa na maaaring makalabas ng paliparan ay inihatid sa accomodation na inilaan ng Cebu Pacific, o sa kanilang bahay.

Ang mga hindi maaaring umalis ng paliparan bunsod ng KSA visa restrictions ay binigyan ng pagkain at inomin ng Cebu Pacific onsite representatives makaraan makakuha ng special permission mula sa local authorities bunsod ng paggunita sa Holy month ng Ramadan.

Tinatayang aalis ang Cebu Pacific flight 5J741 mula Riyadh ay 5:00 pm [10:00PM Manila time], habang estimated time nang pagdating sa Manila ay 7:00 am, 23 Hunyo  2017.

Sinabi ng Cebu Pacific, ang kaligtasan ng mga pasahero ang kanilang prayoridad, at humihingi ng paumanhin sa ano mang ”inconvenience” bunsod ng insidente.

“We will post updates as further information becomes available,” ayon sa Cebu Pacific.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *