Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Castro player of the week

DAHIL sa pamamayani sa Game 4 panalo at pagbuhat sa TNT tungo sa PBA Commissioner’s Cup Finals, pinarangalan si KaTropa Jayson Castro bilang Player of the Week para sa 13-18 Hunyo.

Pumupog si Castro ng halimaw na 38 puntos, 11 assists at 7 rebounds upang pa-ngunahan ang TNT sa 122-109 panalo kontra Barangay Ginebra Gin Kings noong nakaraang Sabado at tulu-yang tinapos sa kanilang best-of-5 semis series, 3-1.

Tinalo ng 4-time Best Player of the Conference na si Castro ang mga bigating manlalaro ng San Miguel na sina Chris Ross, Alex Cabagnot at June Mar Fajardo para sa naturang parangal.

Nakapasok sa Finals ang TNT sa loob ng 2 taon at makakaharap ang Beermen sa Best-of-7 Finals na lalarga na bukas sa Smart-Araneta Coliseum.

Tatangkaing makabawi ng KaTropa, lalo na si Castro na hindi nakapaglaro sa Game 7 noong Philippine Cup semis kaya kinapos sila kontra sa naging kampeon kalaunan na San Miguel.

Samantala, noong nakaraang 2015 Commissioner’s Cup huling nakasikwat ng titulo ang TNT nang ang import nila ay si Ivan Johnson. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …