Saturday , November 23 2024

Panalo dapat si Brilliance sa 2nd leg

NASUNGKIT ng kabayong si Sepfourteen ang pangalawang yugto ng “Triple Crown” para sa taong ito matapos na maayudahan nang husto ng kanyang regular rider na si John Alvin Guce nung isang hapon sa karerahan ng Sta. Ana Park (SAP) sa Naic, Cavite.

Naging mainitan kaagad ang eksena sa tampok na pakarerang iyan ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) dahil sa umpisa pa lang ay agawan at agapan na ng magagandang puwesto ang mahigpit na magkalaban na sina Sepfourteen at Golden Kingdom ni Unoh Hernandez habang nasa unahan nila ang may tulin na si Brilliance ni Kelvin Abobo.

Pagpasok ng tres kuwartos (1,200 meters) ay halos naging magkakalapit silang tatlong at  pilit na kumakaskas sa gawing labas ang dala ni Unoh upang tangkain na pumantay sa magkakuwadrang sakay nina Alvin at Kevin, kaya naman sa puntong iyon ay maaga na rin na nagpagalaw sa ikaapat na posisyon si Mark Alvarez kay Pangalusian Island kasunod sina Metamorphosis ni Dunoy Raquel Jr. at ang hindi sumabay sa lakas ng ayre na si Hiway One ni Jeff Zarate.

Pagdating sa tres oktabos (600 meters) ay magkasunod pa rin ang coupled runners sa harapan na sina Brilliance at Sepfourteen, habang si Golden Kingdom ay kitang medyo nakaramdam na agad ng pagod, kaya sabay biglang kumuha ng tersero puwesto si Pangalusian Island at papalapit na rin sa may gawing loob ang nagbitaw pa lang na si Jeff lulan kay Hiway One.

Pagsungaw sa huling kurbada ay bahagyang umektad si Brilliance laban kay Sepfourteen habang nakapirmis lang sa ibabaw si Kelvin at panay naman ang tulak at palo sa labas si Alvin ayon sa pagkakasunod. Sa huling 200 metro ng laban ay nakadikit na sa labas si Sepfourteen dahil sa walang humpay na ayuda at palo ni Alvin, samatalang si Kelvin ay nakatuwad na parenda-renda lang. At sa hindi inaasahan ay biglaang napadikit sa gawing loob ang malakas na si Hiway One, na halos pumantay na rin sa eksena sa harapan laban dun sa coupled runners.

Kaya nagkaroon tuloy ng biglaang takot at kaba ang mga karerista dahil sa pasingit na tumabi sa loob ang dehado sa lahat na si Hiway One kina Brilliance at Sepfourteen, subalit sa lakas ng tulak at hataw ni Alvin ay nagawa niyang mailagpas ng bahagya ang sakay niyang si Sepfourteen laban kina Brilliance at Hiway One pagdating sa meta.

Naorasan ang tampok na pakarerang iyan ng 1:54.6 (14-25-24′-22′-27′) para sa distansiyang 1,800 meters. Nakatanggap ng halagang P1.8M ang koneksiyon ni Sepfourteen na Santa Clara Stockfarm Inc. bilang gross prize at halagang P100,000.00 bilang breeder mula sa tanggapan ng PHILRACOM sa pangunguna ni butihing Chairman Andrew Sanchez. Kasama sa nagbigay ng papremyo at tropeo ay sina Commissioner Atty. Willy De Ungria, Commissioner Nonoy Niles at Director Dr. Andrew Buencamino.

Obserbasyon lang natin sa tampok na pakarerang iyan ay yung klase ng nagawang pagdadala ni Kelvin kay Brilliance, na kung naayudahan at nagalawan nang husto ay malaki sana ang panalo sa laban. Marami tuloy na karerista ang nakapagsabi na iba pa rin kung talagang palalagpasin ni Kelvin ang dala ni Alvin dahil mas maganda ang usapin kung si Sepfourteen nga naman ang maimamarkang pangalan na makakakopo o makaka-sweep ng tatlong leg ng Triple Crown at maituturing na kampeon sa taong 2017.

Pangalawa,  kahit nanguna pa ang kalahok na si Sepfourteen ay hindi nangyari na hanggang ganoon lang itatakbo niya na hindi gaya nang inaasahan at maging ang mahigpit na kalaban niya na si Golden Kingdom ay walang naipakita kung kaya’t huling dumating sa meta.

Pangatlo, na kung hindi maagang nagalawan ni Mark si Pangalusian Island ay malamang na ang pinakatalo ay segundo/pangalawang darating sa meta. Pero para sa akin,  kung si Pangalusian Island ang natapat sa klase ng diskarteng nagawa kay Hiway One ay malamang na siya ang makagawa ng upset na panalo, kaya nasayang ang malaking pagkakataon na sana. Anyway, bawi na lamang sa susunod kung sakali ay maikambiyo sa kamay ni Oniel Cortez iyang si Pangalusian Island. Puwede kaya tayo diyan Sir Wilbert ?

Bukas ay ibabahagi ko naman sa inyo ang naganap sa “Hopeful Stakes Race”, “3YO Locally Bred Stakes Race” at sa iba pang mga nasilip nung weekend races sa karerahan ng SAP. Okidok. Happy racing sa inyong paglilibang ngayong gabi.

REKTA’s GUIDE (San Lazaro/6:30PM) :

Race-1 : (12) Mr. Slim, (11) Sizzling Hot, (5) One In A Billion.

Race-2 : (4) Mapaghinala, (3) Galing From Afar.

Race-3 : (4) Navy Cut, (7) Et Al.

Race-4 : (7) Fly Like An Eagle, (5) Donttouchthewine.

Race-5 : (5) Ava Jing Pot Pot/Medaglia Espresso, (3) Divine Zazu.

Race-6 : (2) Maverick, (3) Alta’s Charm, (1) Sydney Boy.

Race-7 : (5) Caravaggio, (6) Boss Benjie, (7) Sharp As Ever.

Race-8 : (3) Shoo In, (6) Run Em Down, (2) Kapayapaan.

REKTA – Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *